chapter 07

33 9 0
                                    

 ╔═══════ ❄ ◦ ❆ ◦ ❄ ═══════╗

chapter 07
Just To Feel You

Olivia

Kung buhay pa si Mama, ano kayang ginagawa ko ngayon? Sino kaya ako ngayon?

Kung buhay pa si Mama, masaya kaya ako ngayon?

Would I— who's always annoyed with my mother's nagging, always talking back, who never lets her win an argument and who never consider how she's feeling— have realize that I am a bad daughter to her?

If the face of death didn't come, would I have realized and told her how much I love her?

"Ayaw ko ngang bilhin ang sa 'yo. Aba, gusto ko ako mismo ang gagawa nitong isusuot ng mga apo ko," sabi ni Nanay Priscilla habang cino-crochet ang isang sweater para sa apo niya. Naniningkit na ang mga mata at kita ko ang hirap niya sa pagpasok ng yarn gamit ang nanginginig na kamay pero tinutuloy niya pa rin.

"Kapag namatay na ako, gusto ko matatandaan nila ako kapag sinuot nila 'to." She chuckles. Kulubot na ang balat ni Nanay. Puti na lahat ang maikling buhok. Her small eyes are sullen. Parang palaging basa ang mata niya, parang maraming pinagdaanan at pagod na.

But when she smiles, her face brightens. And whenever she talks about the kids, it's as if she's the happiest.

Mas lalong tumatagal, mas lalo kong naalala si Mama sa kaniya. She would have been like her. We could have been sewing this together while she sips her favorite cappuccino that I made.

I would have been a barista, a successful one like she wished me to be.

"Gawa po ni Nanay ko 'to! Gano'n, ipagmamalaki ako kahit wala na ako."

While I was somewhere having fun and taking advantage of my mother's love, did she had this kind of thoughts too? When the fear of death came, did she think of me and how would I live without her?

Natatandaan ko kung paanong paulit-ulit niyang sinasabi sa 'kin na malalaman ko na lang kung gaano kahirap kapag wala na siya. But for all I know, she prepared everything for me before she died.

"Magugustuhan po sigurado nila 'yan dahil gawa niyo."

Napangiti ulit si Nanay. "Aba, dapat lang. Kaya, anak, pasensya ka na kung 'di kita masundan ng maayos. Pero turuan mo lang ako."

"Sige lang po."

"Ilang taon ka na?"

"28 po."

"Ah, bata pa lang. Eh ang asawa mo?"

Ha? "Asawa po?"

Tinuro niya sa nguso si Everett na nakikipagkwentuhan sa mga bata. Uminit yata ang pisngi ko at agad na umiling. "Ah, h-hindi ko po siya asawa."

"Boypren?"

"Ah, hindi rin po." I chuckle awkwardly. Nawala tuloy ako sa ginagawa ko. "Uh, nangungupahan lang po siya dito. Sa taas po."

"Ah, aba akala ko eh asawa mo na dahil palaging nandito."

Pangatlong punta na nila dito. Every Saturday, they visit. Hinahatid sila ni Ate Beatrice, nanay ni Gelo at Nika bago siya pumunta sa trabaho.

"Hindi po. Hindi ko po siya asawa... o boyfriend."

"Kayo lang dalawa dito? Aba'y dapat bumibisita kayo sa likod." Kinuha niya ang gunting, gugupitin sana ang yarn pero kinuha ko at ako na ang gumupit. "Salamat. Pagpumunta kayo, ipagluluto ko kayo ng champorado! O kaya lugaw, anong mas gusto niyo?"

Nakakahiya 'yon. And I think visiting her just for the food feels uncomfortable. Pero nahihiya rin naman akong tanggihan siya. "Kung magkaka-oras po kami."

"Sa susunod na Sabado, ipagluluto ko kayo. Siguradong gusto niyo ng maiinit na pagkain sa lamig ng panahon, malapit lang ang sa amin dito. Ipagtanong tanong niyo lang sa mga matatanda diyan, siguradong alam nila."

"Hindi po ako sure kung pwede si Everett."

"Ipagdadala ko na lang kayo kung gano'n."

I immediately shake my head. "Huwag na po, maabala pa po kayo."

"Ano ka ba, anak, ikaw nga pinagagawa mo kami ng kape at tinuturuan ako nito. Ano ba kung ipaggagawa ko rin kayo ng makakain."

I like to be alone most of the time. I like silence ever since that day. But thinking back, I'm realizing the reason why I agreed to let them stay here: the presence of my late mother, I can feel it with her.

I guess I am this desperate to feel her again, to see her again. That once again, I'm letting people back in my life.

❄ ◦ ❆ ◦ ❄

Home for WinterWhere stories live. Discover now