chapter 11

38 7 0
                                    

╔═══════ ❄ ◦ ❆ ◦ ❄ ═══════╗

chapter 11

Olivia, Olivia, Oh, The Life You Live

Olivia


I couldn't cry after avenging my mother's death. Akala ko noon kapag natapos ko na lahat 'yon ng matagumpay, maglulupasay ako sa puntod ni Mama. Pero walang lumabas na luha sa mata ko. Tumayo lang ako roon, hindi makangiti o makaiyak at hindi alam ang sasabihin sa kaniya.

What is the right thing to say? That now— now that she's lying six feet underground— I miss her so much? That now that she's gone, I wish she'd caress my hair and tell me I did a great job? That the only time that I was able to do something for her was—of all things possible— for her death.

Nahihiya ako sa sarili ko at sa kaniya. Nang gabing 'yon, humiga ako, inalala no'ng sinabi ko sa kaniyang kasama ako sa honor at kung paano niya akong yinakap, kung paano niyang hinagod ang buhok ko, at kung paano siya ngumiti sa 'kin. Or maybe it's a dream.

"Masarap ba?" nag-aabang na tanong ni Nanay.

Hindi ko maangat ang ulo ko. I haven't cried for months, but now I can feel the tears welling in my eyes.

Masarap nga ang sampelot. But it's incomparable to my mother's recipe. Pero kahit gano'n, hindi ko mapigilang hindi maalala siya. It's my comfort food. Kahit pa pagod siya, kapag sinabi kong gusto ko nito, igagawa niya ako.

And now that she's gone, no matter how many times I tell the wind that I missed her food, no one will cook it for me.

"Sobrang sarap po," sagot ko at yumuko para itago ang luha.

"Aba't bakit ka naman nakayuko diyan? Hindi mo ba gusto?"

Umiling ako, nakayuko pa rin. Shocks. Ngayon ko pa talaga nakalimutan ang panyo ko. "Na... napuwing lang po ako."

"Halika dito at—"

"Masarap po ang luto niyo," singit ni Everett. "Matamis po at malinamnam. Marami rin pong sahog kaya masarap. Matagal na po kayong nagluluto nito?"

"Oo naman! Bata pa lang ako tinuruan na ako ng nanay kong magluto niyan. Sige, pogi, kain ka pa. Gusto mo pa ba? Ikukuha kita."

"Yes, thank you po."

Narinig ko ang paghagikgik ni Nanay at pagtayo. Nang mapunas ko na ang luha ko ay 'tsaka ko pa lang inagat ang ulo. Buti na lang busy na sa pagkain ang mga bata. Nang mapaharap ako kay Everett, ngumiti lang siya sa 'kin at wala ng sinabi.

❄ ❄ ❄

"Hali kayo dito, ipapakilala ko kayo sa mga amiga ko," sabi ni Nanay habang hinihila kami papunta sa isang gazebo sa tabi ng bahay nila.

I anxiously brush my shoulder. The thought of meeting more people makes me nervous.

"O-Okay lang po kahit 'wag na, 'nay, uuwi na rin po kami nito."

"May mga kailangan pa po kaming gawin," dugtong ni Everett.

Huminto saglit si Nanay at humarap. She smiles gently, placing her hand on top of mine. "Sandali lang ito! Nakwento ko kasi kayo sa kanila, ipapakilala ko lang kayo, ha?"

Wala na akong nagawa nang makaakyat kami. There waiting for us are three old women and two old men playing cards on a long table.

"Oi, Priscilla, bakit ngayon ka lang?" One of the old woman says. May pangkulot pa sa buhok at nakapulang daster. Her eyes curiously glance at us.

"Aba'y nagluto ako para dito sa mga bisita ko!"

"Sino naman 'yan?" tanong no'ng isang matandang lalaki. His eyeglass is almost falling on the bridge of his small nose.

"Parang may kahawig, ano, Tony," sabi ng isa pang babae na puti na ang mahabang buhok habang binababa ang mga baraha niya.

I couldn't stop brushing my shoulder. Hindi ko sila matingnan nang maayos dahil nahihiya akong itaas ang tingin at makatitigan sila. But even with my gaze wandering anywhere but them, I could feel their eyes piercing at our faces.

"Ito 'yong kinukwento ko sa inyo na batang na nakatira sa harap! 'Yong pinupuntahan naming tuwing Sabado."

"'Yong sinasabi mong nanahi, ano?"

"Oo, oo, siya 'yon! Si Olivia." Turo ni Nanay sa 'kin. "At ito si, ano nga ulit pangalan mo, pogi?"

"Everett po," sagot niya. I hear him clear his throat, scratching his eyebrow before he awkwardly smiles and greets them. "Hello... good afternoon po."

And then they're waiting for my greeting. Dalawang segundo akong tumingin bago nag-iwas din. "Hello... hello po, um, good— good afternoon po."

"Parang may kahawig ka ineng," sabi ng isa pang babae na nakasalamin. Hinawakan at binaba niya pa ang salamin para tingnan ako. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ah, Olivia po. Olivia... Fuentabello."

"Olivia, Olivia, Olivia, sino kasing..."

"Ah! Tanda ko, Fuentabello! Anak ni Pacing! Anak ni Pacing!" Napaangat ako ng tingin ulit nang marinig ang sinabi ng isang matandang lalaki na busy sa paglalaro kanina. He even waves his hand in the air.

Kilala nila si Mama at Lola?

"Pacing? 'Yong mananahi sa Plaza no'n?" si Nanay.

"Oo, oo. Olivia ang pangalan no'ng anak no'n, 'di ba? Lagi akong nagpapatahi do'n noong buhay pa siya."

Nawala ang kaba ko kanina nang malamang kilala nila sina Mama. I've always been curious of her life here. For 20 years that she's with me, I, her only daughter, never thought of asking about her life as a woman before being a mother. At hanggang ngayon, isa 'yon sa mga pinagsisihan ko.

She knew everything about me, from when I was still in her womb until I've grown up. She knew all my memories, hobbies, favorites and dreams. And, I... I only know her as a mother.

I've never asked her about her high school friends, her experience in school, her favorite dishes, I just always try to guess. Sometimes intrigue but never had the time to ask.

"Anak ka ni Pacing?" tanong ni Lola.

"Ah, hindi po. Lola ko po siya. Mama ko po si Olivia, at uh, magkapangalan po kami....Kilala niyo po si Mama?"

"Oi oo naman! Sipag ng batang 'yon! Palaging kinukwento ni Pacing tuwing nagpapatahi kami. Ang daming medalya sa bahay nila no'n!"

"Ano ka ba, Marisa, niligawan pa ni Joseph 'yan!"

"Eh, nakaklase pa nga ni Josie! Pumupunta pa no'n samin pinagluluto ko sila ng bilo bilo paborito daw niya."

Hindi ko na mahabol ang mga sinasabi nila dahil sabay-sabay silang nagsasalita. Pero iisa lang ang binibigkas na pangalan. Pangalan ni Mama.

The life that she lived here that I never had the chance to ask about.

I'm realizing that I was too busy running and chasing the time of my life that I never had the chance to know more about the woman who gave birth and loves me deeply. While she, who worked day and night to provide for me, slowed down and paused her life just to watched over me and make sure that I lived my life to the fullest.

Why have I never thought of slowing down for a while to give her back the love and care that she showered me?

Pero ngayong wala na siya gagawin ko ang lahat para lang maramdaman ulit ang presensya niya. 

❄ ◦ ❆ ◦ ❄

Home for WinterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt