Chapter 14

3 0 0
                                    

Truth hurts

"Phaena, sweetie, naghihintay na sayo si Cree sa baba. Bilisan mo!" Sigaw ni mommy upang mas mataranta ako sa pagbibihis.

Nagmamadali kong isinuot ang aking sapatos, sinilip ko muna kung tama ba ang medyas na isinuot ko o hindi because the last time I check it's not the same pairs. Madalas kasi hindi pareho ang suot ko, kasalanan 'to ng aswang na yon.

Makapaghintay naman siguro 'yon hindi ba? Hindi pa naman kami male-late kasi mas early pa kami sa mga early birds. Wala pang alas sais ng umaga ay nandon na kami, dinaig pa namin ang guard na halos kasunod nalang namin pumasok ng school.

Kinuha ko na ang bag ko, pagkatapos kong isara ang pinto ng kwarto ay tinakbo ko na ng dere-deretso ang hallway ng bahay, hindi nanaman ako nakasuklay dahil sa pagmamadali. Kulang nalang lilipad na ako ng hagdan para lang makaabot ng deretso sa sala namin.

"Bahala na nga masermonan," I murmured after bidding my parents that I'll be going to school na.

I'm already near our gate and even from that distant or how meters we're apart, I still clearly saw him leaning in with his lovely yet cool and luxurious car. For some reason, my heart starts to beat fast as I walked closer and closer. I almost hear its beating, shit.

"Hindi ka ba sasakay?" His voice was husky as always and it gives me chills.

"E-eto na nga..." I said, almost a whisper. I hopped in, put my seatbelt on and zipper my mouth.

Pero kahit na itikom ko ang aking bibig, yumayakap parin saking ilong ang kanyang pabango at hindi ko mapigilang langhapin 'yon kasi nakaka adik. Maybe he pour his perfume here, I swear his manly scent is captivating my soul.

I saw him stared at me for a minute from my peripheral vision and when I'm about to avert my gaze and met his, he quickly turn on the engine in a blink of an eye.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana nang umusog na ang kotse nya para makapag relax din ako kahit ilang minuto man lang. Parang nakaka tense naman nung tingin nya, dapat mas alalahanin ko pa ang exam mamaya baka makalimutan ko.

Juiceko wag naman sana.

Habang nasa kalagitnaan kami ng aming road trip papuntang school ay sumulyap muna ako sa kanya bago nag tanong. Hindi naman talaga malayo ang bahay namin, siguro mga 10 minutes lang ang byahe.

"Nakapag-review ka na?"

"Oo, ikaw?" Tanong nya at tumango lang ako kasi ayaw ko ng pahabain pa ang usapan. I just asked him, that's all.

"Put all your bags and notes here in front," sabi ni ma'am habang inaayos ang test paper namin.

Folder tsaka ballpen lang ang iniwan ko sa desk at inilagay ko na ang bag ko sa harapan. Nang lahat kami ay ready na, iniisa-isa kami ni ma'am to assist us kung saan kami dapat humarap.

"Potassium. Ba't kasi sa may bintana ako nakapwesto, malas." Bulong ko. Akala ko pa naman ay hindi na magagalaw ang pwesto namin... Akala ko lang pala lahat.

Hingang malalim, tapik sa pisnge. Kaya ko 'to kasi pinagpuyatan ko lahat ng na lesson samin.

"When I caught you cheating, don't expect na mataas ang grades nyo kahit may mga backers pa kayo. Understood?"

"Yes ma'am." Sagot naming lahat, bago nya kami hinayaang sumagot sa aming mga kanya-kanyang test papers.

"Mind your own papers, ang lilingon sa katabi ay hindi na makakalingon pabalik." Saway ni ma'am, siguro may nakita syang lumilingon kahit saan makakita lang ng sagot.

Tig iisang oras lang ang ibinigay sa amin para makapag answer, hindi ako nagmadali dahil aminin ko man o hindi ay nakakalito ang choices at nagpapasalamat ako na walang fill in the blanks kasi finals. Kapag prelim, don lang may fill in the blanks tsaka enumerations.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now