Chapter 6

7 1 0
                                    

Text message

Phaena's POV.

"Phaena, sinong kasabay mong uuwi?" Tanong sakin ni shining glasses pagkatapos ng last period namin.

Tinuro ko lng si Cree na nag-aayos ng kanyang gamit.

"Ikaw?" Lumingon naman sya kung nasan naka-upo si Luke, tumango lng naman ako at sabay naming tiningnan si lollipop.

"Hmm?" Aniya nang hindi kami tinitingnan.

"Sinong kasabay mong uuwi?" Sabay naming tanong ni shining glasses. Tiningnan naman nya kami at sinuot ang kanyang bag.

"Uuwi ako mag-isa." Bulong nya na ikinagulat namin ni Dawn.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Dawn sa kanya na bakas parin sa mukha ang pagkagulat.

"Uuwi ako mag-isa." Pag-uulit nya.

Nagulat din naman ako sa sinabi nya kaya hindi ako makasalita. Tingin ko hindi parin sila nagbabati ni Yohann, hindi ko man alam kung anong nangyari sa pagitan nila pero sana magbati na sila.

"Sabay ka nalang samin." Pag-aaya ni shining glasses sa kanya pero umiling lng sya.

"May pupuntahan pa ako." Palusot nya.

Lumulusot talaga sya samin, nag-aalala lng naman kami sa kanya pero sadyang ayaw nya talagang sumabay. Baka kung mapano sya sa daan eh hapon na tapos uuwi pa sya mag-isa.

Napabuntong-hininga naman ako. "Bakit?" Nagtataka naman nya akong tiningnan.

"Ha?"

"Bakit ka uuwi mag-isa?" Tanong ko sa kanya at umiwas sya ng tingin.

"Lollipop, sumabay ka na kila Dawn." Hinawakan ko sya sa balikat pero dahan-dahan nyang binaba ang kamay ko.

"Magiging okay din ang lahat." Aniya at bigla nalang tumakbo palabas ng classroom.

Nabigla ako sa ginawa nya kaya naman natulala ako sandali,ang bilis nyang tumakbo pero agad din akong nakabawi nang biglang tumakbo si Dawn upang habulin si Cami.

Tumingin naman ako sa tatlo na nakatingin din pala sa pinto at inilipat nila ang tingin sakin na nagtatanong.

Tiningnan ko lng si Yohann at nagkibit-balikat bago sumunod kay shining glasses.

Tumakbo na rin ako at baka wala na akong maabutan. Ang bilis naman nilang makababa sa lobby, pagkababa ko galing second floor ay wala akong nakita sa lobby kundi mga teachers nalang.

Tumingin naman ako sa field at hinanap yung dalawa, sakto naman ng makita ko sila sa guard house. Ang daming istudyante sa field, iisa lng ang inaabangan namin at iyon ang.... Uwian.

Naglakad ako papalapit sa kanila, mukhang hindi pa naman tumunog yung buzzer dahil hindi pa naka-open ang gate.

"Cami, sumabay ka na samin ni Luke." Pagpipilit ni Dawn sa kanya pero umiling lng sya.

"Cami, sumabay ka na sa kanila." Sabi ko pero umiling nanaman sya, napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko rin alam kung paano ko sya kukumbinsihin.

Hindi mo talaga mapipilit ang tao kung hindi nya gusto ay hindi nya talaga gusto.

"I want to be alone just for this day so please, just let me go home by myself." She said almost pleading. I can't help but to stare at her, there's something in her eyes that'll never escape from me.

I saw pain and loneliness deep through her circle eyes, I hug her and she stilled then hugged me back.

"Ayaw naming umuwi ka ng mag-isa Cami," sabi ko at hinihimas ang kanyang ulo. "...alam naming gusto mong mapag-isa pero kasi.. delikado kapag ikaw lng mag-isang uuwi sa inyo."

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now