Chapter 10

2 0 0
                                    

Apology

Phaena's POV.

Ewan ko kung anong sasabihin nya pero pakiramdam ko ay napaka-importante nito.

talaga lang ha

Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to, kung makahila sakin parang close talaga kami eh noh?

Napahawak ako saking dibdib kung nasaan ang puso ko na walang humpay sa pagtibok, kinakabahan lang siguro ako.

"C-cree." Tawag ko sa kanya pero hindi man lang ako nilingon.

Dere-deretso nya lamang akong hinila at napansin kong papunta kami sa.... ewan ko kung saan pero nasisiguro kong sa pangalawang palapag kami ng mansyon pupunta.

ilan nga ba ang palapag nitong mansyon nila?

Siguraduhin lang talaga netong si Cree na importanteng bagay ang sasabihin niya kundi, malalagot siya sakin. At ano na nga bang oras? Masyado akong naging komportable sa pagkwe-kwento ng Lolo nya, baka hinahanap na ako ngayon ni kuya.

Ang daming nakatingin samin na maid habang hinihila ako ni Cree papunta sa itaas ng hagdan, ganon ba talaga ka importante ang pag-uusapan namin?

Pumasok sa isipan ko ang salitang 'confession', hindi ako makapaniwalang tumingin sa likod ni Cree at dali-daling umiling sa aking naisip.

napa-praning ka lang Phaena

Hindi naman niya gawain ang bagay na 'yon, lalong-lalo na alam kong hindi ako ang kanyang gusto. Ang drama ba? Pero kasi hindi nya talaga hilig gumanon.

Bumuntong-hininga nalamang ako at ng naramdaman ko ng nangangalay na 'yong kamay ko ay dun lang din sya huminto sa....

mini fountain?

Anong mayroon dito sa mansyon na ito? Pansin kong ang daming fountains at bulaklak.

Tiningnan ko kung nasaan kami ng pinuntahan at nagulat ako ng makita ang kabuuan saming paligid. Napaka ganda nitong pagmasdan, makakahinga ka ng maluwag dahil na rin sa magandang simoy ng hangin.

Makikita dito mula sa ibaba ang aming dinaanan kanina hanggang sa gate, tanaw ko rin dito ang napakalaking fountain at 'yong cherry blossom na puno. Maraming lantern sa palibot ng mansyon na ngayon ay nagbibigay liwanag, parang isang bakanteng field ang kinalalagyan nitong mansyon nila.

Walang gaanong mga damo na matataas, pantay-pantay silang lahat. Sa tingin ko lang naman. Hinihingal pa ako kanina pero nakakahinga na ako ng maayos ngayon.

it's very refreshing here

Hindi ko man makita ang teresa na sinasabi ng Lolo ni Cree pero alam kong ganito din ang itsura nito, napaka-kalma ng palibot tsaka mararamdaman mo talagang peaceful.

Napahawak ako sa railings at nagbabalak na abutin ang mga bituin kaso ang layo. As if naman na maaabot ko eh hindi nga.

Walang buwan ngayon at puro tala lang ang nasa langit, pinagmamasdan at nagbibigay samin ng ilaw.

star gazing

May mini fountain sa gitna ng teresa na aming pinuntahan ni Cree. May bulaklak sa palibot nito tapos ang gaganda at nagulat ako ng may napansing bench sa tabi nito. Hindi ko man lang napansin 'yon kanina.

"Pretty." Anang boses na ngayon ay nasa tabi ko.

I averted my gaze to meet his, but I'm afraid that he's already looking at me. Nagsimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko malaman ang dahilan.

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now