Chapter 1

8 1 0
                                    

1 year later...

Classmates

Phaena's POV.

*Cringggggggggggg!!!*

Hindi ko pinansin ang alarm clock at patuloy parin ako sa pagtulog ko. Kainis na alarm clock yan, disturbo ang sarap itapon eh pero ayoko baka pagalitan ako.

Ba't pa kasi monday ngayon?

First day of school nanaman meaning non grade 10 na ako at heto parin ako sa kama nakahiga at parang walang sundo---- 0_0!

Para akong kinuryente at mabilis pa kay flash ang ginawa ko. Tiningnan ko yung orasan at laking gulat ko ng makita kung anong oras na. Tumakbo kaagad ako ng banyo at naligo, pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako, kinuha ang bag tsaka bumaba na.

"Hi mom and dad goodmorning." Nagmamadali kong bati sa kanila habang gumagawa ng sandwich, wala akong choice dahil hindi na ako kakain ng agahan. May naghihintay sakin na aswang sa labas

"Di ka kakain ng agahan mo?" Pagtatanong ni mama at umiling lng ako tsaka humalik sa pisnge nya pati kay papa.

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanila. Siguradong naghihintay na yung aswang sa labas ng bahay, wag nya sana akong kainin ng buhay.

"Sige sweetie, take care." Sabi ni mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Lakad takbo yung ginawa ko dahil kumakain ako ng sandwich.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay tiningnan ko sya. Ang gwapo nya parin kahit kunot na kunot yung nuo nya habang nakatingin ng deretso sakin. Nagsorry naman kaagad ako.

Tagos sa puso ko ang titig nya men

"Sorry---" but he cut me off.

"Get inside." Aniya at naunang pumasok ng kotse nya. Oo may kotse na sya kahit grade 10 palang kami. Sana ako rin meron pero parang binaldado ako ng kuya ko eh, pwede namang bilhan nya ako pero pinili nya talaga ito.

Sumunod ako dahil baka mag rap nanaman sya ng wala sa oras. It's been a year since hinahatid sundo nya ako, pero kailan ba kasi ito titigil? -_- ayoko na sa kanya dahil may crush na akong iba. Ang manhid nya eh tapos hindi naman kami gaanong nag-aaway hehe madalang lng kapag napipikon kami sa isa't-isa.

Ang sungit nya pala at kung magalit naman ay nang-iiwan sa ere. Iniwan nya ako last year eh, pauwi na ako nun at tiningnan ko ang paligid ng parking lot. Wala sya dun tsaka naisipan ko nlng na maglakad pauwi dahil medyo malayo din ang bahay namin, mga ilang kanto pa yung dadaanin ko hanggang sa makaabot siguro ako sa pang-apat na kanto,

Nakita ko yung kotse nya nasa labas sya at parang may hinihintay pero hindi ko sya pinansin, deretso lng ang lakad ko ng may narinig akong sumigaw sa likod ko. Sabi nya "Sakay!" Nung una alam ko talagang sya yun kaya syempre nagulat ako pero agad din akong sumunod dahil medyo nakakapagod narin maglakad.

Kaya ayoko na sa kanya pero minsan gusto ko nanaman sya, ewan ko rin kung anong kinakain nya dahil paminsan. Oo paminsan, ang sweet sweet nya kumbaga kapag alam nyang hindi ka kumain ng agahan o tanghalian ay dadalhan ka nya ng makakain at syempre libre nya.

Minsan lng syang ganyan eh, yung ang sweet sweet nya ngayon tapos siguro the next day wala nanaman. May topak din sya kagaya ni kuya, kaya eto nanaman sya ngayon at nagrarap habang nagda-drive.

"Hindi ka nanaman nakikinig sakin." Tiningnan ko naman sya at kita ko kung paano sya bumuga ng marahan, nagpapakalma nanaman sya na parang ewan.

Bahala ka sa buhay mo.

Kumain lng ako ng kumain habang nagsasalita sya pero hindi ako nakikinig hanggang sa makaabot kami ng school, first day na first day pero late pumasok at may halong sermon galing sa aswang.

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now