Chapter 7

5 1 0
                                    

Sundate?

Phaena's POV.

Paano ba magpahula? Yung totoong hula yong kailangan ko at ng malaman ko kung sino yung nagtext sakin kagabi.

Hindi ako makatulog kagabi ng maayos kakaisip nun kaya kailangan ko talaga ng manghuhula, yung totoo talaga at hindi false.

Sino kasi yon?

Wala talaga akong alam eh kung sino yon, tatanungin ko na sana si kuya pero wala eh. Nauna ng natulog at hindi pa naghugas ng plato, ang kapal nya rin paminsan eh.

Hindi kasi ako yong maghuhugas kagabi pero tinakasan ako kaya ang ending, ako nalang naghugas kahit labag sa kalooban ko. Ang sarap ibasag sa mukha nya ang mga platong hinugasan ko.

Pero ang tanong, mababasag kaya? Ang kapal nung mukha nun pero mahal ko yon. Pero wala talaga eh, paghuhugas ang usapan kaya kahit mahal ko yung kuya ko. Babasagin ko parin yung pagmumukha nya.

Try ko lng naman ng konti.

Ang tanong nga ulit, sino yung nagtext sakin kagabi? Hindi ko na nireplayan yung text na yon at baka nanti-trip lng o baka nga kilala nya ako? Hindi? Hindi ko talaga alam.

Wala akong alam.

"Phaena!"

Napaigtad naman ako sa kama ng may sumigaw sa labas ng kwarto ko. Seryoso, yan ba ang dahilan kung bakit may namamatay sa heart attack?

Siguro oo yung sakin.

"Ano?!" Sigaw ko pabalik.

Tiningnan ko lng ang pinto at naghihintay na may sumagot pero wala. Nakita kong umikot ang doorknob tsaka bumulaga ang mukha ni kuya sakin, magulo ang kanyang buhok at kakagising nya lng siguro.

Pangit.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya kaya naman kaagad na tumaas ang kilay nya.

"Pinapasabi ng SUNDO mo na kamatayan mo na raw." Aniya na may mala-demonyong ngiti na naka-ukit sa kanyang labi.

Inosente ko naman syang tiningnan at bumangon pero nasa kama parin ako.

"Sino ba sundo ko? Ikaw? Ahh kaya pala." Sabi ko habang plastic na ngumiti sa kanya.

"Ang gwapo ko para maging sundo ng kamatayan mo." Aniya na may halong inis ang boses.

Hindi ako mamamatay noh.

Bumuntong-hininga naman ako. "Ano ba talaga kailangan mo? Disturbo ka sa sleeping beauty."

Namewang naman sya sa harapan ko at tumaas nanaman ang kilay nya. Para syang mayordomo haha kapares ng mayordoma.

"Sleeping beauty pero tulog mantika." Asar nyang sabi.

Talaga? Okay.

Inirapan ko sya at bumalik nalang ako sa pagkakahiga, tinakpan ko lahat ang katawan ko ng kumot. Pumikit ako at pinakiramdaman kung aalis ba sya o hindi.

Umalis nalang kaya sya, hindi pa ako nakakamove-on sa pinggan eh. Babasagin ko na talaga ang mga yon sa pagmumukha nya, ang kapal talaga eh.

"Alis!" Sigaw ko sa ilalim ng kumot.

"Bakit naman ako aalis?" Tanong nya na parang hindi alam kung bakit sya aalis, pero ang totoo alam nya ang dahilan.

"Usotsuki." Ayan japanese na, ano nanaman kaya ang isusunod ko? Arabic Or Indian?

Untainted Love(On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora