Chapter 9

4 1 2
                                    

A/N: Thank you for your patience guys, now nanaman naka update. Enjoy reading!

Grandparents




Phaena's POV.

Oo madilim. Madilim pa sa brownout, akala ko ang dilim na 'yon ay hihigit pa sa isang oras pero panandalian lng pala.

anong oras na kaya?

Nagutom ako bigla kahit bago lng kami kumain kanina, nakakagutom din pala ang kadiliman?

"Your hands are cold as ice." Aniya ng makalabas kami sa tinatawag kong illusion tunnel, may tawag na ako sa bagay na yon ah.

Sa kanila kaya 'to? O sa kanya? Papa-autograph na ba ako? Pero teka nga, bakit kami nandito? Malalagot nanaman ako neto kay kuya kapag late na kami umuwi.

ipapakain ko talaga si Cree sa nag-iisang dinosaur

"Ano bang—" hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko ng nag angat ako ng tingin para sana tumingin sa kanya, pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi 'yong view na nakapalibot sa amin.

garden?

Anong meron dito at bakit napakaganda? Kahit saang anggulo siguro tingnan ay maganda talaga, sobra pa siguro sa ganda ko.

Garden ba talaga 'to? Hindi ko sya ma explain ng maayos dahil sa sobrang ganda talaga, bakit 'to nandito? Private siguro kaya kami lng nakakapasok.

Inilibot ko ang aking paningin sa nakapalibot samin at nahahalata sa mga bagay kung gaano sila ka expensive. May mga puno din dito pero halatang mamahalin, everyday siguro ito ginugupitan kaya mga apat o tatlo lng ang sanga.

nagbubunga din kaya sila?

May nakita din akong mini fountain na may maliliit na dove sa gilid nito at feeling ko ginto ang tubig na lumalabas, napakalinis at talagang kumikintab. Hindi ako bagay dito pero may karapatan akong pagmasdan ang lahat ng 'to.

Balak ko pa sanang abutin ang tubig na umaagos kaso hindi ko na itinuloy at baka maging isa akong dove.

baka madumihan

Napansin ko din na may mga bench na gawa sa bakal at pang modern talaga ang design nya, may mga lantern din sa paligid na handang magbigay ng ilaw kapag sumapit na ang dilim.

Masyado akong nahumaling sa mga ganitong view, hindi ko napansin na nakatingin pala sakin si Cree at 'yong tingin na yun ay—— nakakakaba.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at inayos ko ang sarili ko. "M-may dumi ba sa suot ko?" Yumuko ako at tiningnan ang damit at short tsaka pinagpag iyon.

Hindi naman ako sumabak sa kung saan at pinagmasdan ko lng talaga ang garden. Garden nalang siguro ang tawag ko dito, mukha namang garden.

mamahaling garden

Exclusive garden? Paradise? Tiningnan ko muli si Cree at ganun parin sya kung tumitig. Sampalin ko nalang kaya sya? Wag nalang pala at baka lilipad na ako ng tuluyan sa outer space.

Nakita kong gumalaw ang labi nya at parang may sinasabi sya pero hindi ko iyon marinig. Malayo kami sa isa't-isa.

feel ko sinusumpa nya ako

Napansin kong nasa may mini brigde ako nakatayo, taray naman nitong garden nato. May ganito pala? Bakit hindi ko man lng napansin kanina, kung wala to baka nabasa na ang sapatos ko.

Yumuko ako at nag wish na sana makakakita ako ng mga gold fish at hindi rin naman ako nabigo, meron nga pero maliliit pa sila. Baka pwede na silang ulamin kapag malaki na sila? Sasabayan ko si Cree kapag magbibingwit sya.

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now