Chapter 4

4 1 0
                                    

Nicknames

Phaena's POV.

Alam nyo ba yung feeling na pinagtitigan kayo ng mga tao habang naglalakad kayo? Wala namang masama sa naglalakad diba? Bakit sila tingin ng tingin? May artista---

Ahh kaya pala.

<_<

Nasa tabi ko yung aswang tapos panay ngiti naman sya sa mga tumatawag sa kanya.

Ano ba kasing brand ng toothpaste nya?

"Hi Cree!"

"Cree say hi naman!"

"Oh my! Ngumiti sya!"

"Ako rin nginitian nya!"

"Sino ba yung nasa tabi nya?" >_<

Hindi nya siguro alam na ako ang future Mrs. Salvador. Ililibing ko talaga ng buhay yung nagtanong nun, yung tipong libing kaagad at wala ng misa-misa.

"Someone's irritated." Dinig kong sabi ni Cree, tiningnan ko naman sya pero hindi sya nakatingin sakin.

Kausap nya siguro yung hangin. Aswang.

"Tsk."

San nga ba kami pupunta? Saang lupalop kaya kami mapapadpad nitong nga kasama ko? Makikita na ba namin si grim reaper? O di kaya si---

"Stop." Ewan ko kung sinong may sabi na tumigil pero tumigil din ako kakalakad.

"This way Light." Ahh okay.

Lumiko ako kagaya nya at sumunod sa kanya pababa ng center stairs. Nalampasan ko na kasi kaya nya ako pinatigil kanina.

Sino bang doctor dyan? Paki tanggalan nga ng mga mata 'tong titig ng titig samin. Nahiya naman ako sa aswang na nasa tabi ko lng, sana mahiya din sila dahil kung makatingin dito sa katabi ko eh para na nilang tutunawin ng buhay.

Sana kayo matunaw.

"Phaena are you okay?" Ang lutang ko na ba dahil hindi ko lng naman napansin na nasa canteen na kami at pumipila.

"Okay naman." Tipid kong sagot kay shining glasses. Tumingin naman ako sa kaharap ko at likod ni Cree yung nakita ko.

"Hanggang ngayon ba naman katabi ko parin sya?" Mahinang bulong ko.

"Oo." Tumalon naman ako ng konti dahil sa gulat na may bumulong sakin. Tiningnan ko naman kung sino yun at si shining glasses lng pala, akala ko kung sino na.

Nagtataka ko naman syang tiningnan at mukhang nakuha nya yun. Ngumiti pa lamang sya.

Nag-order lng ako ng ulam na may gulay kagaya ng pinakbet, mukhang kailangan ko kasi yun dahil naso-sobrahan na ng talino ang brain cells ko.

Sa sobrang talino nagiging lutang na ako, kulang nalang at magiging alien na talaga ako.

Sunod lng ako ng sunod sa kanila. Hindi kami sa canteen kumain kundi sa--- rooftop >_<

Kaagad naman akong huminto ng napansin na aakyat na kami sa canopy at bababa rin tapos akyat ulit sa hagdanan papuntang rooftop.

Nagtataka nila akong tiningnan. "Bawal---" pero pinutol ako ni lollipop sa sasabihin ko.

"Walang bawal dito. Rumors lng yun." Aniya at umakyat na sa hagdanan pataas, sumunod naman si Yohann sa kanya pati yung iba.

Untainted Love(On-Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ