Chapter 8

6 1 0
                                    

Sundate

Phaena's POV.

Ako ay naloloka sa kasama ko ngayon, bakit? Eh dere-deretso lng ng lakad itong aswang na 'to tapos anlalaki pa ng hakbang parang hinahabol sya ng masama engkanto, oo nga pala hinahabol ko pala sya sa pataasan ng hakbang.

at ako 'yong masamang engkanto ror

Pag talaga ako mainip dito sa lalaking 'to, tatakbo talaga ako at haharap sa kanya upang masipa ko 'yong tuhod nya. Para atleast naman makapaghiganti ang mga maliliit kong hakbang, wala talagang gentleness 'tong lalaking 'to.

Ang sarap talaga batuhin sa ulo ng bag eh para sapol na sapol nya ang lahat ng sama ng loob ko. Nakita ko syang tumigil sa isang kainan at ng makalapit ako ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Street foods behhhhh >////<

Medyo matagal tagal narin akong hindi nakakakain ng street foods ah, kumuha ako ng fishball tsaka kwek-kwek, balot, isaw tapos buko shake. Nakita ako ni Cree na kumuha, nginitian ko naman sya para ma libre ako pero tinaasan nya ako ng kilay.

"Hindi mo'ko madadala sa ngiti mong yan. Plastic." Aniya, ibinulong nya ang panghuling salita na binitawan pero narinig ko parin.

Aba! Sya na nga tong nginitian tapos taray tarayan nya ako? Ay teh masasampal ko talaga sya ng sandok.

"Pasalamat ka may pera akong dala." Oo nga may pera ako pero kasi, malay natin diba baka libre pero sa kasamaang palad. Hindi.

Umupo ako malapit sa mga pagkainan dahil may mga lamesa at upuan naman sa gilid kaya dun nalang ako umupo. At para na rin kung gusto ko pang kumain, edi mas mabuti dahil nasa gilid ko lng ang nagtitinda.

Tumayo ako at kumuha ng nanaman ng balot tapos umupo ako. Nakatingin pala sakin ang aswang kaya ayon, tinaasan ko sya ng kilay. "Ako magbabayad neto." Sabi ko sa kanya at ipinakita ang balot na kinuha ko.

Isaksak ko 'to sa baga mo

Sino kayang may sabi na iisa kami ng table, eh sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sinabi na tatabi sya sakin. Pinagbigyan ko nalang para walang gulo, gusto ko lng kumain ng kumain.

Kumain lng ako ng kumain dahil patay gutom ako pagdating sa street foods. Malas nanaman ako ngayon dahil kasama ko sya at tingnan mo nga naman 'tong mga suot namin. Hindi naman kami mag jowa pero para kaming nagde-date, ano ba plano mo sa buhay tadhana?

Pag kami hindi nagkatuluyan sa huli, isusumpa talaga kita tadhana to the bones by pamungkas. Tss, to the bone pala yon.

Date????? 0_0

Tumingin ako sa harapan, may nakita akong mag jowa, tapos tumingin nanaman ako sa likod ko. May nakita akong mag jowa pa din, tapos tumayo ako at dun ko lng napansin na halos lahat ng nasa paligid namin ay walang iba kundi.... Mga tao.

Sunndaaateeee! >.<

Sunday ngayon eh, so sundate eh pero hindi nga kami nagde-date >> umayos ka nga Phaena.

Mga tao nga, mga tao na mag jowa. Hindi kami bagay dito, hindi naman ako tao at same kami ni Cree. Aswang sya eh tapos ako? Alien.

"What are you doing?" Napa upo ako ng wala sa oras ng narinig ko syang magsalita.

Kinuha ko ang buko shake at uminom tsaka nag iwas ng tingin. "Wala, ang ganda kasi ng view dun na part." Sabi ko at nginusuan ko yung part na sinasabi ko.

Dun ko lng din napansin na ang ganda nga ng view, may mga nakalagay kasi na christmas lights tsaka pansin ko rin na malapit lng pala kami sa dagat. Siguro mas maganda kapag gabi na dahil makikita mo ang mga bituin, makikita mo 'yon kapag in off ang mga christmas lights. Ang ganda dito mag star gazing dahil hindi lng sya maganda. Open wide din ang paligid, pwede na akong magdala ng tent at dito mag camping.

Untainted Love(On-Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant