Chapter 3

4 1 0
                                    

The four boys

Phaena's POV.

Ayoko pa naman pumatay ng tao dahil masama yun, pero bigla nalang akong napalingon sa entrance ng cafeteria dahil sa hiyawan ng mga babae.

Nakita kong pumasok ang hindi ko kilalang mga lalaki at nagulat ako ng makita ko si Cree na syang huling pumasok.

Apat sila at parang nakita ko na sila sa.... Lobby kanina!

In fairness naman ang gwa-gwapo nila, parang F4 lng pero di naman mukhang daoming sao si Cree. Panay ngiti naman yung lalaking naka jacket, hindi naman mainit sa cafeteria dahil naka air-conditioned 'to.

May nakasuot ding shining glasses....

Tiningnan ko naman ang tatlo at ganun nalang ang gulat ko ng nakatingin din sila sa apat. Siguro isa sa kanila ang naging motto nila kanina na may pa "I'm interested in".

Binalik ko ang tingin sa apat, hindi parin sila maka-alis sa pwesto nila dahil may mga babaeng nakaharang sa kanila papuntang counter.

Todo tingin naman ako sa kanila, sana lng at hindi sila matunaw sa titig naming apat.

Tiningnan ko naman yung si shining glasses,  sya kaya yung... Luke na sinasabi ni Dawn? Tanungin ko kaya yung shining glasses mamaya, wala namang masama kung tatanungin ko sya.

Pansin kong seryoso ang mata nung tatlo tapos iisa lng ang panay ngiti sa kanila at kung maka-wave ng kamay parang nasa pageant. Ayoko pa namang magjudge kasi nga 'dont judge the book by its cover', siguro ganyan lng talaga sya.

Sa totoo lng, gusto ko na talagang umalis ng cafeteria. Hindi ko na nakakayanan ang hiyawan nila dahil lng sa mga pumasok.

Hindi naman sila artista diba? Pero kung makasigaw naman 'tong mga babaeng to parang nakakita ng isang artista talaga.

"Hello?" Parang tangang sabi ko at kaagad naman na napatingin ang tatlo sakin. Nagpatuloy silang kumain na parang walang nangyari na titigan challenge kanina, kasali pala ako dun.

Tiningnan ko naman si shining glasses at tumigil sya sa pagkain ng tinanong ko sya.

"Shining glasses, si Luke ba yung naka eyeglass din?" Tiningnan nya ako at dahan-dahang tumango.

Strike one.

Tiningnan ko naman si lollipop. "Lollipop, sino sa tatlong seryoso si Yohann?" Umangat sya ng tingin sa akin at nag pout bago sumagot.

"Yung kasunod ni Cree." Sagot nya.

Strike two.

Tumingin ako kay medyo kulot hair at nakatingin na din sya sakin. "Dalawa yung tanong ko sayo, pwede?" Alanganin kong tanong sa kanya at tumango lng sya bilang sagot.

"Una, kapatid ka ba ni Cree?" Tumango lamang sya.

Bull's eye.

"Pangalawa, si Levi ba yung naka-jacket?" Nasampal nalang nya ang nuo at nahihiyang tumango.

"Home run!" Biglang sabi ko na ikinagulat nilang tatlo. Medyo naisigaw ko yun ng konti kaya napatingin ang iba sakin, pati yung mga nagkukumpulan kanina napatingin na rin sakin at.... Kasali na rin yung apat! >_<

Lupa, ready mo na kabaong ko.

Tinakpan ko naman ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Ba't ko kasi naisigaw yun? Nakakahiya naman yung ginawa ko, ready na akong lumipat sa saturn.

"Hi Sandy!" Biglang sigaw nung nakajacket kanina at gulat kong tiningnan si Sandy na ngayon ay walang ekspresyong nakatingin din sa kanya.

Si shining glasses naman ay pilit na tumatago sa likod ni Sandy at si lollipop naman ay parang walang pakealam sa gilid ko. Sa totoo lng, gusto ko ng mawala dito sa cafeteria. Pwede ngang ma invisible ako ngayon na.

Untainted Love(On-Going)Where stories live. Discover now