Chapter 12

3 0 0
                                    

Phaena's POV.




Natunganga ako sa kanyang sinabi at napakurap lang ako ng pinisil niya ang tungki ng aking ilong na animo'y nanggigigil. Bumalik siya sa kanyang upuan na katapat lang din sakin na parang walang kababalaghang ginawa, bwiset pinaglalaruan ata ako ng aking puso dahil normal na ang pagtibok nito ngayon.

Pero kung mas malapit naman sakin 'yong isa....hays nagulat ako ng mapansing may isang ¼ na siya sa ibabaw ng kanyang notebook.

Padabog akong humarap sa white board namin, iniisip ko kung paano niya kinuha 'yon. Bakit hindi ko man lang napansin? Ang bilis niya naman makakuha at anong sabi niya? Hindi ko narinig.


"I don't want to share your belongings to someone else except sakin?!" I murmured under my heavy sighed, bwiset ka talaga Cree Salvador.

Wala siyang karapatan na sabihin sakin 'yon dahil hindi niya naman ako pagmamay-ari, ako lang dapat ang may karapatan sa lahat ng gamit ko at hindi siya. Pero bakit paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya at talagang nage-excho sa tenga ko ang kanyang boses na may halong nanlalambing. Bosit.



Isusumpa ko talaga siya.



"Okay class, number 1" anunsyo ni sir kaya naman ipinagsawalang bahala ko na muna ang pagsusumpa sa nag iisang Cree Salvador.

Pero hanggang sa matapos ang quiz namin ay hindi mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi ng aswang na 'yon, magic? Feeling ko nga siya pa sumumpa sa akin, shuta.

"Ilan score mo kanina Levi?"

"Almost perfect, ang kulit kasi ni Yohann"

"Ba—"

"Ang kulit? I was just asking"

"Anong 'i was just asking' eh halos mapunit na ang papel ko kakakopya mo"

"Sana kay Cree ka nalang kumopya Yohann, kawawa naman si Levi"

Paano naman akong lumutang 'yong isipan habang nagde-dictate si sir kanina ng mga questions? Halos isang oras kaming nag quiz kanina at mas gugustuhin ko pang mag recess nalang. Nakakasakit sa utak ang math subject, nararamdaman ko na nga na siya ang kaisa isahang subject na sisira ng card ko.

Hindi ko rin na perfect 'yong quiz kanina, nilalamon na ako ng gutom kaya ayon 19/20.

"Si Levi kasi ang mas pinakamalapit sakin kaya sa kanya na ako nangopya, ito naman madamot"

"Hoy gago nasa harapan mo lang si Cree, at anong madamot? Halos kopyahin mo na lahat ng answer ko, pasalamat ka't hindi tayo nahuli"

"Hindi tayo nahuli kasi hindi tayo nagpahuli"

"Ba't ang daldal mo ngayon Yohann, may nangyari ba? Goods na ba kayo ni mareng Cami?"

Oo nga Luke, yan din ang tanong ko kanina pa dahil kung makasagot sagot ito kay Levi ay parang nasisiyahan pa nga siya. May nangyari kaya? Bumuntong-hininga lamang siya at nagkibit balikat.

"Maybe" at palihim pa itong ngumiti kahit na halata parin na ngumingiti ngiti sya.

"Ayown, hoy anong pinanggagawa niyo?" Natatawang ani ni Luke.

"Ano bang ibig sabihin mo ng 'pinanggagawa' ha?"

"Ito naman ang green minded mo, paano mo siya nilambing at nang makakuha ako ng ideya kung paano ko lalambingin ang nag-iisang dragon sa buhay ko" aniya at hindi ako magkakamaling si Sandy ang iniisip niya.

Untainted Love(On-Going)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα