Chapter 13

2 0 0
                                    

PHAENA'S POV.

"Retro dance lang ang sinalihan namin, hindi naman ako marunong magluto o mag table setting"

"Pero marunong ka namang mag assemble ng ba—" natigilan si Luke sa kanyang sinabi at tumikhim.

"Balloon," dugtong nya pero pinandilatan pa din sya ng mata ni Sandy kaya napalunok ito.

Nagtatanong ko silang tiningnan pero hindi man lang nila ako sinagot kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. Ina-assemble pala ang balloon?

"Buti nalang at hindi nyo nakalimutang magbayad ng tuition, eh halos kami nakalimutan" sabi ko nalang at napakamot sa aking batok.

"Dahil ba sa quiz? Wag kayong mag-alala dahil maghapon din kaming nag quiz," sabat ni Luke at tumango ako sa kanya.

This day was exhausting gusto ko magpahinga at matulog na. Sabay kaming dumeretso sa parking lot, kanya kanya kami ng driver. Except kay Yohann at Cami dahil mukhang gusto ni Cami na mag commute nalang, pero hindi siya pinapayagan ni Yohann.

"Sakay na"

"Ayoko, baka ako pa magbayad ng pang gasolina mo"

"Cami" may pagbabanta sa boses ni Yohann at kita ko sa reaksyon ni Cami kung paano nya pilit na itinatago ang kaba.

Napabuntong-hininga nalang kami sa kanilang pagtatalo, kung hindi sila ay si Sandy at Luke. Madalang ko lang makitang LQ si Dawn at Levi eh, pero mas nangingibabaw talaga ang dalawa.

Sa huli ay walang nagawa si Cami at padabog syang pumasok sa BMW ni Yohann. We parted ways and I don't know why but in my peripheral vision, he keeps on glancing at me with his serious face. Parang may gusto syang sabihin pero may isang bagay na nagpapatigil sa kanya.

Hanggang sa makaabot kami ng bahay ay hindi parin sya umiimik pero nahahalata mong may gusto syang sabihin.

"Bye," yon lang at pumasok na ako sa bahay namin ng hindi sya nililingon. Hindi ko nanaman na lock ang gate, hays kainis.

"Hi manang good afternoon po," bati ko sa kanya at nagmano na rin. May niluluto sya kaya hindi ko mapigilang magtanong kasi sa amoy palang ay halata mong masarap na.

"Sarap nyan manang ah, may bisita po ba tayo mamaya?" Tumawa sya sa sinabi ko.

"Hindi mo pa nga natitikman eh pero salamat, nagpaluto kasi ang mama mo" aniya pa kaya kunot-nuo ko syang tiningnan.

"Baka may bisita siya mamaya?" Hindi siguradong sabi ko.

Umiling siya. "Hija, feeling kasi ng mama mo ay isang dekada na kayong hindi sumasabay sa hapag upang kumain ng hapunan," aniya habang natatawa.

Ha? Sabay naman kaming apat kumakain pero madalang lang, si mama talaga eh alam niya namang magluto though I can't blame her kasi nagtatrabaho sila para samin.

"Tikman mo nga" as she said, tinikman ko nga while hinahawakan nya ang kutsara. Nakakahiya naman, namiss ko tuloy ang bonding namin ni mommy.

Nagningning ang mata ko ng tikman ko ang luto ni manang, masarap din naman pala syang magluto. Naisip ko tuloy ang activities namin para sa nutrition month, kasama ko pala si Cree sa cooking contest at napapaisip ako kung magaling din ba syang magluto.

"Masarap manang, galing nyo ah" sana ganyan din ka sarap ang pagmamahal ng nag iisang Cree Salvador.

"Kailan ang exam nyo sweetie?" Mom asked while I, on the other side eating and enjoying the pasta that manang cooked awhile ago.

"Thursday and Friday po,"

"Good luck sa exam nyo" sabay nilang sabi ni papa at nginitian ko sila.

I glanced at my side and saw my kuya peacefully eating his food and I can't help to raised my left eyebrow. Unfair naman netong panget na 'to, hindi man lang nag sabi ng 'good luck sis' kahit good luck nalang eh.

Untainted Love(On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang