"BLUEEEEE!!!!!!! KANINA PA KITA HINAHANAP!!! LAGOT KA KAY MAMA! PATAY KA!"sigaw pa lang Alam ko na kung kanino. Kay Kuya Chris. Ang pinaka-epal kong kuya. Pero lab ako niyan.

"Oh sige na sumisigaw na si Kuya Chris" kinuha ko na yung tali ni chanelle "Baka hindi na din ako makalabas kapag may pasok na. Graduating tayo eh. Kitakits nalang!" Sabi ko at tumakbo na habang hawak ko si chanelle.


Baka malagot ako kay mama eh. Aalis nga pala kami ngayon ni mama. Nakalimutan ko hehehe.


"Oh anong sabi ko sayo?" Oh-ohhh "Di bapag-uwi ko dapat bihis ka na at aalis natayo? Ha?" World war no. 2042 ganern


"Ayan kase" rinig Kong bulong ni kuya. Epal talaga to.


"Ah kasi ma ginala ko si chanelle kanina patahol ng tahol eh. Ayoko naman na pag-uwi mo maingayan ka. Hehehe" lulusot yan pustahan tayo.


"Ay nako! Magpapalusot ka na naman. Naku kang bata ka! O sige na mag bihis ka na at pupunta pa tayo sa eskwelahan mo para ibigay yung kulang mong requirements tsaka bibili ka nang uniform." Ah. Okay. Makikita ko na ang school ko! Oh yes!


Umakyat na ako kaagad at nagbihis ng simpleng white na vneck tapos ripped jeans tapos vans. Hindi naman kami mayaman. Can afford lang. Hihihi


Pagbaba ko umalis na agad kami ni mama at pumunta sa Ford University. Opo sa Ford University ako mag-aaral bilang scholar. Si Kuya Chris College na tapos scholar din. Varsity siya ng swimming team ng Ford University kaya may scholarship din ako. Pero ako 4th year palang ako sa pasukan.


Sikat yung school na 'yon kasi lahat ng anak ng mga businessman, politician, tsaka mga mayayaman dun nag-aaral.


Pagdating namin. Namangha ako. Ang Ganda eh. Literal na nalaglag yung panga ko.


Nung binabayaran na ni mama yung uniform, sabi ko sa kanya maglilibot muna ako para hindi ako mahirapan sa first day.


Habang nagiikot ako kung saan-saan ako tumitingin dahil ang ganda talaga dito. Iisipin mong hindi masasayang ang babayaran mo sa eskwelahang 'to.



*bogsshh


"Ay nako! Sorry miss hindi ko sinasadya." Pinagpagan ko yung damit niya kasi may dala siyang donut tapos natapunan siya.


"No its okay. I'm fine. It's my fault actually hihi" aww ang cute niya.


"Sorry talaga ha. Ito oh punasan mo baka mahal yung damit mo e wala akong pambayad" Inabot ko yung bench&bath ko. Kinuha naman niya.


"Thank you. You're so nice to me. From now on you are friend yay! I'm Danica Jillette Padilla btw. Call me Jill" Ang ganda niya. Nakakatibo.


Wait! Padilla?! Diba sila din ang may ari nitong school?


Hehe nagsearch din kasi ako tungkol dito eh.

Omg.


Inabot niya sakin yung kamay niya at nginitian ako. Kinuha ko yung kamay niya


"C-Chandria Blue Bernardo. Blue nalang" tapos nginitian ko siya. Kumunot noo niya.


"Bernardo? How are you related to Christian Bernardo?" Wow sikat ang koya niyo. Papalibre nga ako mamaya. Hehe


"Kuya ko" ngiti Kong sagot "Padilla ka?! So it means-"


"Yup. We owned this university" yaman shet! Bat hindi kayo namigay?! Hehehe eksdi


"Grabe ang yaman niyo pala. Hehehehe"


"hihi, uhmm may gagawin ka ba today? Mall tayo! Treat ko. We're friends right?" Tanong niya habang nakapuppy-eyes. Ang ganda niya pa din. Kainis



Magsasalita sana ako kaso may sumigaw kaya napatingin kami pareho sa direksyon nung sumigaw.



"JILLETTE!"



------------------------------

hi :)

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon