Epilogue

266 8 13
                                    

Ang Nawawalang Alaala Ni Fidel

Paglipas ng ilang araw simula noong bumalik sina Fidel sa San Diego, dumating ang magulang ni Dolores matapos nilang mabalitaan sa sulat ni Fidel ang tunay na nangyari sa binibini.

Paglipas ng ilang araw simula noong bumalik sina Fidel sa San Diego, dumating ang magulang ni Dolores matapos nilang mabalitaan sa sulat ni Fidel ang tunay na nangyari sa binibini

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dahil sa ipinadala mong sulat sa aking mga magulang, naparusahan na si Conrado. Maraming salamat sa pagtulong niyo sa akin nina Ibarra't Clarita." Umakyat sa kalesa ang binibini at umalis pauwing Bataan. Pagkatapos, pumunta na si Fidel sa kanyang silid upang magpahinga. Pumikit siya at dito nagsimulang lumaban ang kanyang puso.

"Oh, di ba? Ang ganda!"

"Oo, napakaganda nga."

"Palagi kitang nais makita... Nais na kasama. Sapat na bang dahilan ang mga ito upang sabihin kong nagugustuhan kita?"

"Pinapatigil kitang manligaw kasi... Sinasagot na kita."

"That's why if the only way na maging okay ka is to let you go back, tinatanggap ko yon kasi mahal kita."

Nagising mula sa tila isang bangungot si Fidel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising mula sa tila isang bangungot si Fidel. Hindi niya alam kung sino ang babaeng kasama niya rito. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang bangungot ay unti-unting nagiging isang panaginip na kanyang hinahanap-hanap. Sinubukan niyang alalahanin ang hitsura ng babae ngunit hindi niya magawa.

Naisip ni Fidel na maglakad-lakad muna at nakasalubong pa niya si Pilosopo Tasyo. "Madaming katanungan sa iyong isip." Wika ng lalaki. "Marahil kaya niyo akong tulungan tungkol dito." Sila'y tumapat sa anino ng isang malaking puno at doon nag-usap. "Hindi ako ang makakatulong sa iyo sapagkat sarili mo lamang ang kayang gumawa nito." Sagot ni Pilosopo Tasyo.

"Ngunit paano ko matutulungan ang aking sarili? Gayong hindi ko alam kung saan ako magsisimula?" Tanong ni Fidel at tumawa ang lalaki. "Saan ka madalas abutan ng mga gumugulo sa iyong isipan? Ikaw lamang ang nakakaalam nito." Wika ni Pilosopo Tasyo. Paalis na sana siya ngunit may naalala siya na nais niyang sabihin kay Fidel. "Hijo, sa oras na malaman mo ang mga sagot sa iyong katanungan, ikaw ay nakatakdang pumili." Dagdag niya.

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now