Special Chapter: Pagsulyap Sa Hinaharap

373 15 31
                                    

Minsan mo na nga bang naitanong kung ano kaya ang nakatakdang hinaharap ng binibining mula sa kasalukuyan at ng ginoong mula sa nakaraan?

Limang taon na simula noong makasama si Fidel sa makabagong mundo ni Klay. Tandang-tanda pa ng binibini ang naging paglalakbay nilang dalawa na magkasama. Isinulat niya ang kanilang kwento at hindi niya inaakalang sisikat ito sa mundo ng internet. Ngunit mas minabuti ni Klay na itago ang kanyang pagkatao at dagdagan ang ilang bahagi ng kwentong may pamagat na Tinatangi.

Nang mabasa ni Klay ang huling pangungusap ng huling kabanata ng Tinatangi, kaagad niya itong ibinahagi sa kanyang mga mambabasa. Napangiti si Klay at sinara ang kanyang laptop. Sa kanyang pag-iinat, sakto namang tumunog ang kanyang alarm ringtone sa cellphone dahil matatapos na ang kanyang break. Lumabas si Klay sa kwartong para sa mga nurse at dumeretso sa emergency room.

Sakto namang dumating ang mga sari-saring pasyenteng nangangailangan ng tulong. Abalang-abala ang mga doctor at nurse sa emergency room. Katatapos lang ni Klay na asikasuhin ang isang pasyente nang may isang doctor na lumapit sa kanya upang humingi ng tulong.

"Pakitawag si Doc. Allen. Tell him that there's one patient losing cranial fluid and we need him now." Tumango si Klay at tinawag niya ang doctor na kailangan sa emergency room. Lumipas muli ang oras at malapit nang matapos ang shift ni Klay.

"Gusto mo na bang umuwi at maglaro?" Tanong ni Klay at tumango ang bata. "Pero bago yon, kailangan nating ilagay muna ito para naman lumakas ang katawan mo sa nutrients! Mas matagal ka pang makakapaglaro." Pagpapaliwanag ni Klay at dahan-dahang inilapit ang kanyang braso na ikinatuwa ni Klay at ng kanyang mga magulang. Inilagay ni Klay ang I.V. sa bata at nagulat ang bata dahil tapos nang ilagay ni Klay sa kanya ang I.V.

Sa wakas at natapos ang shift ni Klay at makakalabas na siya sa ospital. Hinabol naman siya ni Stacy at niyakap siya. "Day! Iisang ospital lang tayo nagwo-work pero hindi tayo nagkikita o nakakapag-usap." Wika ni Stacy nang bumitaw sila sa yakap. "Kaya nga, day. Kumusta operation kanina?" Tanong ni Klay at nagkwento si Stacy. "Simula noong pumunta ako sa E.R., day, ang bungad sa akin ni Nurse Jay 'Have fun with this one.' Daming ganap sa general surgery call na yon! But at least, okay na ang patient." Tinapik ni Klay si Stacy sa likod. "Nako, pagod ka na naman, day." Wika ni Klay at tumingin si Stacy sa kanya.

"Sinabi mo pa. Pero ikaw? Kumusta ang pagiging pediatric nurse?" Tanong ni Stacy at ngumiti si Klay. "Okay naman, day! Love ko na talaga itong job ko. Ngayon ko lang na-realize yan." Sagot ni Klay. "Mabuti naman, day!" Habang nagkukwentuhan sila papalabas ng ospital, hindi nila namalayan na si Fidel ay nasa kanilang harapan. Napatigil ang magkaibigan at nakita ang ginoong galing pa sa trabaho. May hawak si Fidel na isang basket ng cheese at biscuits at isang magandang palumpon ng mga bulaklak.

Madaming tao ang nakatingin ngayon sa ginoo sapagkat sila'y natutuwa sa kanyang mga ibibigay sa binibini. Napangiti si Klay nang makita niya ang hawak ni Fidel. "Magandang gabi, aking Klay." Wika ni Fidel at kilig na kilig si Stacy sa kanilang dalawa. "Day, una na ko... Babu!" Iniwan ni Stacy ang dalawa at tinanggap naman ni Klay ang binibigay ni Fidel. "Magandang gabi rin, Fidel ko."

Pumunta sila sa isang restaurant at doon sila nagkwentuhan tungkol sa kanilang araw. "Hindi ko nga rin inaakalang bibili rin sila ng basket. Akala ko nandoon lang sila upang kumain." Wika ni Fidel habang hinihiwa ang steak. "Sabi ko sa'yo eh. Patok pa rin ang basket kasi hinaluan mo ng modern style eh. Tapos asset pa yan ng Maglipol family." Sabi ni Klay at kumain ng steak. "Kapag kumita na kami nang malaki ni Andrew sa wine business namin, isusunod ko ang negosyo ng aking mga namayapang magulang." Habang nagsasalita si Fidel, napansin niya na may steak sauce si Klay sa gilid ng labi kaya naman pinunasan niya ito. Habang ginagawa ito ni Fidel, pinagmamasdan siya ni Klay at napangiti.

"Next month, ice-celebrate na natin ang five years of our relationship and two years na..." Napatigil si Klay at napangiti naman si Fidel matapos niyang punasan ang gilid ng labi ni Klay. "Yes, two years since our wedding." Dagdag ni Fidel. Hinawakan ni Fidel ang kamay ng kanyang asawa at ramdam pa rin ni Klay ang kilig kahit limang taon na simula noong sinagot niya ang kanyang kasintahan na ngayo'y asawa na niya. "Two years na nga tapos parang nililigawan mo pa rin ako kaya lahat ng katrabaho ko kilig na kilig eh." Wika ni Klay at natawa si Fidel.

Nang matapos sila sa kanilang hapunan, naglakad ang mag-asawa sa isang pasyalan habang magkahawak ng kamay. "Bakit nga pala tinatangi ang napili mong title?" Tanong ni Fidel at naalala ni Klay noong umamin si Fidel sa kanya. "Kasi favorite ko talaga yung nag-confess ka sa akin ng feelings mo. That word is our assurance, too." Sagot ni Klay at napangiti si Fidel. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kanilang pagtingin sa isa't-isa. Tunay nga na sila pa rin ang tinatangi ng isa't-isa. Tumigil si Fidel upang hawakan ang tiyan ni Klay. Napangiti si Klay at humawak din sa kanyang tiyan.

"Three months pa lang pero excited ka na bang ma-meet si baby?" Tanong ni Klay at napangiti si Fidel habang tumatango. "Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na makita ang ating anak, mahal ko. Kaya..." Inayos ni  Fidel ang ipinasuot niyang jacket kay Klay at hinawakang muli ang kamay ng asawa. "Aalagaan kitang mabuti, mahal ko."

Napangiti si Klay dahil dito niya napagtanto na mapagmahal at magiging mabuting ama si Fidel sa kanila ng kanilang magiging anak.
Hinalikan ni Klay si Fidel sa kanyang mga labi habang hawak siya ng ginoo sa kanyang likod at pisngi.

"Mahal kita, Fidel."

"Mahal din kita, aking Klay."

*****

Thank you for reading Tinatangi! If you enjoyed it, don't miss the sequel!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you for reading Tinatangi! If you enjoyed it, don't miss the sequel!

Tinatangi: Proyektong Malaya (FiLay)

Tinatangi: Proyektong Malaya (FiLay)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now