24: Lisanin Ang Mundong Hindi Kinagisnan

174 12 3
                                    

Be advised that this chapter contains a scene of violence.

"Sa mata ng pamilya ko, wala akong kwentang tao. Pero kay Dolores, malaki ang tiwala niyang makakamit ko ang pangarap ko..." Wika ni Dexter. "Binago niya ko pero hindi ko mabago-bago ang kapalaran niya." Sagot ni Dexter.

"Dolores and Fidel learned to love us

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dolores and Fidel learned to love us. I think it's our destiny to meet them, to love them, and that also includes parting ways with them." Nang sabihin ito ni Klay, huminga nang malalim si Dexter. "Sana ganon kadaling tanggapin na hindi kami ang para sa isa't-isa. Pero nakapag-desisyon na ako... Hindi ko na guguluhin si Dolores at ang mundong ito." Binigay ni Dexter ang libro kay Klay.

"Idinadalangin kong dumating ang panahon na tuluyang maghilom ang mga sugat sa puso mo." Wika ni Maria Clara. Tumayo si Klay at inaya ang dalawa. "Umalis na tayo. We have to stop two worlds from colliding. But before that, hanapin natin mga nobyo natin. Baka nandito na sila."

Dinala si Dolores ng kanyang mapapangasawa sa kanyang bahay. "Conrado, akala ko'y lilikas na tayo? Naghihintay ang aking pamilya sa inyo." Tanong ni Dolores nang siya'y dalhin ni Conrado sa isang kwarto at dito siya sinampal sa magkabilang pisngi.

"Quién es ese hombre? Niloloko mo ba ako?!" Tanong ng lalaki at umiling siya. "Hindi ko magagawa ang bagay---" Tinulak siya ni Conrado at sinaktan nang ilang beses. Hinawakan ng lalaki ang kanyang buhok at tinapat ang mukha ng binibining tumatangis sa kanyang mukha. (Quién es ese hombre? - Who's that man?)

"Kapag nalaman kong niloloko mo ako, ililibing kita nang buhay!" Sigaw ni Conrad. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at ikinulong ang binibini. "Conrado! Buksan mo ang pinto!"

Paglipas ng ilang minuto, nakarating sina Fidel, Ibarra, at Torres

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Paglipas ng ilang minuto, nakarating sina Fidel, Ibarra, at Torres. Napahawak sila sa kanilang mga katawan at tinitignan kung tinamaan sila ng bala. "Mabuti't hindi tayo tinamaan ng bala." Wika ni Ibarra. "Umalis na tayo. Hanapin na natin---" Napatigil si Fidel sa paglalakad nang makita niya si Dolores sa parehong kwarto kung nasaan ang lagusan.

"Fidel? Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Dolores at nakita ng tatlo ang kanyang mga pasa't sugat na tinamo kay Conrado. "Ano nangyari sa'yo? Sinaktan ka ba ni Dexter?" Tanong ni Fidel at nagulat ang binibini. "Kilala mo siya? Hindi niya ako sinaktan ngunit siya ang dahilan kung bakit ako sinaktan ni Conrado." Pinaliwanag ni Dolores ang nangyari at nagmakaawa sa kanyang kinakapatid na tulungan siya.

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now