21: Muling Pagkikita

226 15 9
                                    

Kaagad hinanap ni Dexter si Dolores sa kanilang tahanan ngunit walang katao-tao rito sapagkat lahat ay nakatingin sa kalangitan. Lumabas siya at hinanap ang binibini sa labas ngunit madaming tao kaya nagtanong siya sa isang tao.

"Alam mo ba kung nasaan si Dolores na nakatira rito?" Tanong ni Dexter. "Oo! Kalalabas lamang nila at doon sila lumakad." Tinuro ng lalaki ang daan kay Dexter at siya'y nagmadali. Akala niya'y hindi na niya makikita si Dolores ngunit natagpuan niya ang binibini na nakatingin din sa langit.

"Dolores!" Masayang tawag ni Dexter at tumingin sa kanya ang binibini. Tinitigan siya ni Dolores sapagkat hindi siya kilala ng binibini. Lumapit si Dexter dahil ayaw na niyang magsayang pa ng oras. "Sino ka?" Tanong ni Dolores. "Ito raw ang magpapaalala sa'yo." Biglang lumapit si Dexter upang halikan ang binibini. Matapos ang ilang segundo, naluha si Dolores at sinampal si Dexter.

"Akala ko matatandaan mo na ako---"

"Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon pa, Dexter?!" Tanong ni Dolores.

Samantala, hindi makapaniwala sina Klay at Fidel na nandito si Ibarra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Samantala, hindi makapaniwala sina Klay at Fidel na nandito si Ibarra. "Do you know me, Sir Ibarra?" Tanong ni Klay at tumingin sa kanya si Ibarra. "Isang buwan lamang ang lumipas, Miss Klay! Paano kita makakalimutan?" Nagulat sina Klay at Fidel dahil dito. "Di ba dapat nakalimutan mo...? Anyway, sir, welcome to my world." Bati ni Klay at nilibot ni Ibarra ang kanyang mata.

"Your world?" Ang daming nais itanong ni Ibarra ngunit nawawala ang lagusan kaya nagmadali ang magkasintahan na hatakin ang ginoo. "Teka, mahal, bakit natin nilabas si sir? Baka mangyari rin sa kanya yung---" Sa paghatak nila'y may isa pa silang hindi inaasahang bisita. Hawak pala ni Ibarra ang kamay ni Maria Clara. "Maria Clara?!" Sigaw ni Klay at kasabay nito ang pagkawala ng lagusan.

Pinagmamasdan nina Andrew, at Patricia sina Ibarra at Maria Clara na kausap ni Fidel. "...Kaya nandito ako sa mundo ng aking Klay." Kwento ni Fidel. "Aking Klay?" Tanong ni Ibarra at ngumiti nang malaki si Fidel. "Madaming nangyari at isa na doon ang aming pagmamahalan, amigo." Sagot ni Fidel at kinuwento ang nangyari.

" Sagot ni Fidel at kinuwento ang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kausap naman ni Torres si Klay sa kusina. "Kung hindi ka nakalimutan ni Ibarra, ibig sabihin, may karapatan ka pa rin sa libro. Tungkol naman sa libro, huwag na nating banggitin kung anong laman nito." Sumang-ayon si Klay at dinala na ang mga pagkain para sa mga bisita. "Totoo nga na galing ka sa hinaharap. Patawad, Miss Klay, at hindi ako naniwala... Pero ang ibig sabihin ba nito'y may dalawang mundo? O higit pa?" Tanong ni Ibarra. "Okay lang saka mahirap sagutin yung tanong mo, sir. Di ko rin alam eh." Sagot ni Klay.

Tinatangi (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon