5: Ang Mga Dagdag Na Tauhan

223 12 5
                                    

Nakaka-apat na araw na simula noong makasama si Fidel sa mundo ni Klay ngunit hindi alam ni Klay kung nasaan si Torres

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakaka-apat na araw na simula noong makasama si Fidel sa mundo ni Klay ngunit hindi alam ni Klay kung nasaan si Torres. Napag-alaman ni Klay na totoo pala talaga ang cultural event na tinutukoy nina Narcisa at Abby. Tinawagan niya ulit ang kanyang guro. "Nasaan ka ba, sir? Nasa Noli ka pa rin ba?" Bigo na naman si Klay kaya sumuko na siya at kinuha ang librong ipinahiram sa kanya. "Siguro naman may ibang way pa para makapasok ulit sa Noli." Tinignan ni Klay ang lahat ng parte ng libro at binuklat ang bawat pahina nito. Bigla namang may kumatok sa kanyang kwarto kaya kaagad niyang itinago ang libro. Pagbukas niya, nakita niya si Fidel. "Nandyan ka na pala." Wika ni Fidel. "Saan ka galing?" Tanong ni Klay at nakita niya si Narcisa na kapapasok lang ng bahay.

"Tinulungan niya ulit ako sa pagtitinda ng mga ulam. Swerte yata si Fidel. Ubos kaagad paninda namin." Napatingin si Klay kay Fidel na nakangisi. "Dinumog na naman kayo ng mga fans nito, nay?" Tanong ni Klay nang siya ay lumabas ng kwarto. "Oo, tuwang-tuwa talaga sila kay Fidel! Kapag nagsasalita si Fidel, talagang tumitili mga customers namin." Kwento ni Narcisa at ngiting-ngiti si Fidel dahil dito. "Aba! Nay, isama mo na palagi si Fidel para di yan ma-bored. Anyway, alis na po muna kami. Punta na po kaming PICC." Nagpaalam na sina Klay at Fidel kay Narcisa upang pumunta sa PICC.

Pagdating nina Klay at Fidel sa PICC, kaagad na lumapit sina Klay sa isa sa mga pitong tao sa loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagdating nina Klay at Fidel sa PICC, kaagad na lumapit sina Klay sa isa sa mga pitong tao sa loob. "Kuya, pupunta ba si Sir Torres ngayon? Ako yung volunteer student niya." Tanong ni Klay. "Ah, ikaw si Miss Maria Clara Infantes?" Nang banggitin ng lalaki ang pangalan ni Klay, napatingin ang lahat sa kanya. "Yes. Ako nga." Sagot ni Klay. Lumapit sila at pinalibutan sina Klay. "Akala namin, matatagalan ka pa sa mundo ng Noli..." Wika ng lalaki at gulung-gulo ang isipan ni Klay dahil dito. "A... Ano?"

"Don't worry

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Don't worry. Alam namin. Ako nga pala si Andrew. Former student kami ni Sir Torres. Lahat kami nakapasok na sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo." Hindi makapaniwala si Klay sa kanyang nalaman.

Nakilala ni Klay ang pitong naging estudyante ni Torres. Lahat sila ay may iba't-ibang kwento sa kanilang paglalakbay sa mundong ginawa ni Rizal. "Hindi ko kasi sineryoso subject ni sir sa finals kaya ayon, sa El Fili kaagad bagsak ko..." Tumawa silang lahat sa kwento ni Andrew. "Di ko masabayan si Simoun. Hindi ko tuloy tinapos pero at least, may natutunan din ako. Ikaw, Klay? Anong istorya mo?" Tanong ni Andrew at lahat sila ay tumingin kay Klay.

"Ganon din. But part of me wants to stay kasi napamahal na ako sa mga characters... Naipit ako sa pag-uwi kasi kailangan ako nina ate Sisa at ni Sir Ibarra. Nakauwi naman ako kahit natulungan ko sila. Pero..." Tumingin si Klay kay Fidel. "Hindi ko alam kung bakit nakasama si Fidel sa akin." Tumingin sina Andrew kay Fidel at nagkatinginan sila. "Fidel? What do you mean about that?" Tanong ni Andrew at napatigil si Klay dahil hindi niya nais malaman ni Fidel ang katotohanan. "Miss Klay, are you okay? Bakit ganyan ang iyong hitsura?" Tanong ni Fidel at nakaisip ng paraan si Klay. "Kailangan ko ng tubig, Fidel. Kuha mo kong tubig doon sa labas kanina, please." Wika ni Flay at pumayag si Fidel. Nagpasalamat si Klay bago umalis si Fidel.

"Ayoko pang malaman ni Fidel na parte nga siya ng mundo ng Noli pero hindi siya nage-exist sa mga characters nito." Pagpapaliwanag ni Klay at naintindihan ito kaagad nina Andrew. "May mga naging kaibigan din kami na hindi part ng characters pero nage-exist sa Noli at El Fili. Trust me, I know how it feels..." Wika ni Andrew. "Pero never nangyaring may makalabas na character until Fidel. Sino si Fidel sa Noli? Paano mo siya nakilala?" Tanong ni Andrew. "Matalik na kaibigan siya ni Ibarra. I don't know how to explain it further basta panig din naman siya kay Sir Ibarra."

Dumating si Fidel at sila ay natahimik. Binigay ni Fidel ang tubig kay Klay at siya ay napatanong. "Klay, kailan ko nga pala makikita ang librong tinutukoy mo? Bigla kong naalala ang bagay na iyon. Sabik na akong mabasa ang nilalaman nito." Lahat sila ay napatingin kay Klay at naghihintay sa kanyang sasabihin. "Ay oo nga pala. Hintayin natin si sir kasi mas legit yung copy niya kaysa sa book namin sa school." Pagsisinungaling ni Klay.

Natapos na sila sa pagtulong ngayong araw at tila nakahanap ng mga bagong kaibigan si Fidel dahil alam nila ang pinanggalingan niya kaya madali niyang nakakausap ang mga ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natapos na sila sa pagtulong ngayong araw at tila nakahanap ng mga bagong kaibigan si Fidel dahil alam nila ang pinanggalingan niya kaya madali niyang nakakausap ang mga ito. "Don't worry, guys. Palaging ganito ang setup. Present si sir sa event kaya makikita niyo na siya bukas. Thank you sa tulong niyo, Klay... Fidel. See you tomorrow guys!" Wika ni Andrew. Umalis na silang lahat at nagsimulang maglakad sina Klay at Fidel papuntang sakayan.

"Hindi ko akalaing madami pala kayo, Miss Klay. May halong saya, lungkot, at galit ang inyong mga kwento..." Napatigil si Fidel at naiwan nang kaunti si Klay sa paglalakad hanggang mapansin ni Klay na hindi na pala niya kasabay si Fidel sa paglalakad. "Ngunit may isang bagay akong napansin..."

Humarap si Klay kay Fidel at nakita niya kung gaano kaseryoso si Fidel sa kanyang mga sinasabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Humarap si Klay kay Fidel at nakita niya kung gaano kaseryoso si Fidel sa kanyang mga sinasabi. Lumapit si Fidel kay Klay at tumitig sa kanyang mga mata. Hinigpitan ni Fidel ang kanyang mga kamao at nagsalita.

 Hinigpitan ni Fidel ang kanyang mga kamao at nagsalita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"No soy estúpido, Klay. Batid kong may tinatago ka sa akin." (No soy estúpido - I'm not stupid [masculine])

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now