10: Tinatangi

198 13 7
                                    

"Naturalmente, Fidel. Oo nga pala. Dzai, this is Fidel... Fidel this is Stacy." Ipinakilala ni Klay si Fidel kay Stacy. (Naturalmente - Of course)

"Ikinagagalak kong makilala ka, binibining Stacy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ikinagagalak kong makilala ka, binibining Stacy." Wika ni Fidel at gulat na gulat ang kaibigan ni Klay. "Nice to meet you, too! Ikaw pala yung kinukwento sa akin ni Klay na kasama niya sa event last time. Boyfriend ka niya?" Tanong ni Stacy. "Marites ka rin, 'no? Hindi ko boyfriend si Fidel!" Pagtanggi ni Klay at tumawa si Stacy. "Defensive yarn? By the way, bakit hindi na lang kayo sumama sa amin at doon kayo mag-moment moment?" Tanong ni Stacy at napaisip si Klay. "Alam mo, pwede rin. Maaga pa naman eh. Ano, Fidel? Gusto mong ma-meet friends ko?" Tanong ni Klay. "Sure---"

"My love!"

Napatingin sina Fidel at Stacy sa sumigaw na lalaking papalapit sa kanila. Nasa likod ni Arnold sina Abby at ang iba pang kaibigan nina Klay at Stacy. Pilit na ngumiti si Stacy at bumulong. "Dzai, nandyan na naman yung manliligaw mo!" Tumingin nang masama si Klay kay Stacy. "Manliligaw?" Tanong ni Fidel at umiling si Klay. "Never! Assumerong mechanical engineering student lang yan. Nako, Fidel, alis na tayo---"

"My love! Saan ka pupunta? I heard na magka-karaoke kayo kaya sasama ako." Yayakap sana ang lalaki ngunit pumunta si Klay sa likod ni Fidel at sumilip sa lalaki. "Arnold! Ikaw pala. Oo pupunta kami kaso ayaw ko nang tumuloy..." Halatang hindi masaya si Klay ngunit itinago niya ito sa kanyang ngiti. Nawala ang ngiti ni Arnold ng makita niya ang lalaking namamagitan sa kanila ni Klay. "My love, sino to?" Tanong ni Arnold at ngumiti si Fidel. Sasagot sana si Klay ngunit naunahan siya ng ginoo.

 Sasagot sana si Klay ngunit naunahan siya ng ginoo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I'm Fidel." Sagot ni Fidel. "Ngayon lang kita nakita rito. Are you a transferee? Nursing student?" Tanong ni Arnold at umiling si Fidel. "No, I already graduated."

Akala ni Klay hindi na sasama si Arnold ngunit sumama pa rin siya sa kanilang pagka-karaoke. "Wow! Ang ganda ng room natin ngayon ah." Tuwang-tuwa ang mga babae nang makapasok sila sa kanilang nirentahan na karaoke room. Umupo si Klay sa dulo ng upuan at nakita ni Arnold na pwede siyang tumabi kay Klay ngunit naunahan siya ni Fidel na umupo sa tabi ng binibini. Masama ang tingin niya kay Fidel at ngumisi lamang sa kanya ang ginoo. "Thank you, Fidel." Bulong ni Klay at ngumiti sa kanya si Fidel. "You're welcome, Miss Klay."

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now