18: Hangga't Kaya Ko

190 11 15
                                    

Nakita nina Klay, Andrew, at Patricia si Fidel sa loob ng hotel room. Nakita ng mag-asawa sa unang pagkakataon ang paglalaho ni Fidel kaya sila ay nagulat. Napahawak din si Fidel sa kanyang kaliwang dibdib kaya inalalayan siya ni Klay nang siya ay muntikan nang bumagsak.

 Napahawak din si Fidel sa kanyang kaliwang dibdib kaya inalalayan siya ni Klay nang siya ay muntikan nang bumagsak

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

"Patawad, iniwan kitang mag-isa doon." Pagpapaumanhin ni Fidel sa kanyang nobya. "Okay lang, Fidel." Hinawakan ni Fidel ang kamay ni Klay hanggang sa unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ng ilang minuto, naging maayos na ang lahat. Inalalayan nila si Fidel papunta sa sala upang makaupo nang maayos. "Normal ang heartbeat mo." Wika ni Klay nang tignan niya ang lagay ng kanyang nobyo. "I need to check the CCTV. Padating na rin si sir kaya huwag na muna kayong lumabas." Wika ni Andrew bago siya lumabas ng hotel room.

Paglipas ng napakaraming minuto, dumating si Torres upang makibalita sa kalagayan ni Fidel. "Ayan na nga ba sinasabi ko. Kahit saang mundo manatili, may kapalit ang hindi taga-rito." Wika ni Torres. Hindi tuloy maialis ni Klay ang kanyang mga mata sa kanyang nobyo dahil siya ay natatakot na mawala si Fidel sa paningin niya. "May nararamdaman ka ba sa paglaho?" Tanong ni Torres kay Fidel at tumango siya. "Parang tumigil o kumirot ang aking puso. Ngunit kanina ko lamang ito naramdaman."

Umalis si Klay at pumasok sa kanyang kwarto habang magkausap sina Fidel at Torres. Sumunod si Patricia upang samahan siya. Kaagad namang yumakap sa si Klay sa kanya at umiyak nang patuluyan. "Ate Pat, anong nangyayari kay Fidel?" Tanong ni Klay at walang maisagot si Patricia. "Bakit siya nilabas ng Noli kung ganito yung mangyayari sa kanya?" Tanong ni Klay.

Kinabukasan, bakas pa rin sa kanila ang lungkot na kanilang nararamdaman maliban kay Klay. Sinubukan niyang maging matatag sa harap ng kanyang mahal. Maghapong sinamahan ni Klay si Fidel sa pagtatapos ng kanyang trabaho at nalulugod ang ginoo dahil dito. Hinagkan ng ginoo ang binibini. "Salamat, aking Klay. Pinapagaan mo ang aking loob." Wika ni Fidel. "Anything for you." Sabi ni Klay at niyakap ang kanyang nobyo.

Pagkatapos ng trabaho, sumama si Fidel sa bahay ni Klay upang bumisita. Pagkapasok nila sa tahanan ni Klay, natahimik sila sapagkat may hindi inaasahang bisita si Klay. Nandito pala ang kanyang tatay at ang pamilya nito. "Pa, anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Klay. "Hindi mo ginalaw yung pera sa bank account mo this month kaya napadalaw ako." Sagot ni Anton.

" Sagot ni Anton

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Tinatangi (FiLay)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum