2: Ang Unang Litrato

372 19 13
                                    

"Nobyo? Nak, boyfriend mo siya?" Napangiti si Narcisa dahil alam niyang hindi pa nagkaka-nobyo ang kanyang anak.

"Anong nobyo, Fidel?! Ang feelingero mo ah. Nakakadalawa ka na... Nay, kaibigan ko lang ho si Fidel. Mahilig lang talaga tong magbiro. Huwag mo nang pansinin." Pagpapaliwanag ni Klay habang siya ay nakahawak pa rin sa braso ni Fidel. "Kung hindi mo ako nobyo, tila iba ang sinasabi ng iyong kamay, Miss Klay." Bulong ni Fidel kay Klay. Hindi maipinta ang mukha ni Klay dahil sa sinabi ni Fidel. Mabilis niyang binitawan si Fidel at inayos ang kanyang pañuelo na kaagad namang nakita ni Narcisa.

 Mabilis niyang binitawan si Fidel at inayos ang kanyang pañuelo na kaagad namang nakita ni Narcisa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ganyan damit niyo?" Tanong ni Narcisa. Napatingin si Fidel sa kanyang damit at naalala naman ni Klay ang kakaibang damit na suot nila ni Fidel.

"Ah nay, kasi---" Magpapaliwanag sana si Klay ngunit nagtanong muli ang kanyang ina.

"Ah ayan ba susuotin niyo sa national event? Akala ko madami kayong ginagawa para sa culture event na yon? Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Narcisa. "Event?" Nagtatakang tanong ni Klay sa kanyang ina. "Oo! Papayagan naman kita anak eh. Nakakahiya sa professor mo. Siya pa ang nagpaalam para sa iyo." Wika ni Narcisa. Napaisip tuloy si Klay na mabuting ganito ang sinabi ng kanyang guro upang hindi na mag-alala ang kanyang ina sa tunay na pangyayari.

"Sorry po. Umuwi muna po kami. Anong sinabi ni Sir Torres?" Tanong ni Klay at sila ay naglakad pauwi kaya naman tumingin at sumenyas siya kay Fidel na sumunod sa kanilang mag-ina. "Mahaba daw preparation at madalang ka lang makakauwi. Sagot daw ng school ang lahat ng gastos niyo. Pinakita pa nga niya pictures niyo. Ise-send ko sa iyo sa bahay." Sabi ni Narcisa. "Eh ano po hinahanap niyo kanina?" Tanong ni Klay at sumagot si Narcisa. "Hinahanap ko yung mga gagamitin ng kapatid mo bukas sa school para sa art nila. Gabi na kasi siya nagsabi eh."

Nang makauwi sina Klay, Narcisa, at Fidel, ipinahiram ni Narsing kay Fidel ang mga pinaglumaang damit ng kanyang asawa. Pinagmamasdan naman ni Klay ang mga litrato niya sa kanyang cellphone. "May dala naman palang cellphone si Sir Torres sa Noli eh. Anyway, maganda ako sa angle na to. Medyo nabawi galit ko. Medyo lang." Wika ni Klay at kumatok si Fidel sa pinto. "Miss Klay!" Bulong ni Fidel. Sila na lang ang gising sa bahay dahil madaling araw na. Pinagbuksan naman ni Klay si Fidel at hinatak siya papasok ng kanyang kwarto.

"Fidel, kung tatanungin mo ko---" napatigil si Klay sa pagsasalita nang makita niya ang suot ni Fidel. Siya ay nakasuot ng polo shirt at short kaya naman hindi sanay si Klay na makita siyang ganon.

"Bakit ganyan ka makatitig, binibini?" Nakangisi si Fidel at natawa nang mahina si Klay dahil dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ganyan ka makatitig, binibini?" Nakangisi si Fidel at natawa nang mahina si Klay dahil dito. "Bagay naman pala sa iyo yung damit namin dito. Mukha kang... Mabait at inosente." Sabi ni Klay at ngumiti sa kanya nang todo. Napabuntong hininga si Fidel at nagsalita habang nakangiti. "Huwag mo nga akong pinaglololoko, Klay. Sabihin mo na sa akin ang lahat ahora mismo." (Ahora mismo - Right now)

Nagkwentuhan sila sa labas ng bahay upang hindi makaabala sa mga natutulog. Napag-usapan nila ang tungkol sa tunay na pinanggalingan ni Klay at ang simula ng lahat ng ito. Hindi niya akalain na makikinig nang husto si Fidel sa kanyang kwento. Kaya naman mas na-engganyo siyang ibahagi ang lahat sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na sabihin kay Fidel ang tungkol sa libro ni Dr. Jose Rizal.

"Sandali, Klay. Ano itong mga libro at si Dr. Jose Rizal na sinasabi mo? Na kami... Katulad ng aking amigo ay character lamang?" Tanong ni Fidel. "Mas maganda siguro kung ipakita ko sa iyo yung libro na sinasabi ko..." Nakaramdam na ng antok si Klay dahil sa haba ng kanyang kwento kay Fidel. "Pero mamayang umaga na lang, Fidel. Tignan mo mag-two two am na. Malapit nang mag-umaga." Pinakita ni Klay ang screen ng kanyang cellphone kay Fidel at napaturo ang ginoo rito.

"Ano ang bagay na yan? Kayang gumalaw ng isang litrato at kaya ring magsabi ng oras---" Biglang kinuhanan ni Klay ng video si Fidel at pinlay ito.

"Kaya ring magsabi ng oras---"

"Nakamamangha ang bagay na iyan! Ginaya pa ang aking salita?" Wika ni Fidel. "Hindi. Video record mo lang yon. Tignan mo." Sabi Klay at ipinakita niya kay Fidel ang video. "Kaya rin nitong kumuha ng litratong hindi gumagalaw katulad ng sinabi mo kanina. Tara, lapit ka sa akin." Lumapit naman si Fidel kay Klay at napatitig siya sa binibini. Ngayon niya lang mas nasilayan ang mukha ni Klay at sa malapit pa. Tila naiisip niya na ganito pala kaganda ang binibini na palagi niyang kaaway at kasagutan sa tuwing sila'y magkasama. Kumuha naman ng litrato si Klay kasama si Fidel at tinignan niya ang resulta. "Oh, di ba? Ang ganda!" Wika ni Klay.

"Oo, napakaganda nga." Sabi ni Fidel na nakangiti habang nakatingin pa rin kay Klay na patuloy na kumukuha ng kanilang litrato. Nakita naman ni Klay na hindi nakatingin si Fidel sa kanilang litrato kaya tumingin siya kay Fidel. "Ulitin nga natin---" Hindi inaasahan ni Klay na ganon pa rin ang pwesto ni Fidel habang nakatitig sa kanya. Parang nalagutan ng hininga si Klay dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. May bakas pa nga ng ngiti si Fidel sa kanyang labi nang humarap sa kanya si Klay.

 May bakas pa nga ng ngiti si Fidel sa kanyang labi nang humarap sa kanya si Klay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagmadaling lumayo si Klay at tumayo upang pumasok sa bahay. "Nakaayos na yung tutulugan mo sa sala, Fidel. Bukas--- I mean, mamaya na lang." Binuksan niya ang pinto at nagmadaling pumasok. Naiwan si Fidel sa labas at nagulat siya nang sumilip muli si Klay upang magsalita.

"Good night. Babu."

"Good night din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good night din. Babu." Biro ni Fidel at ngumisi na ikinagulat ni Klay dahil ito ang unang beses na ginamit ni Fidel ang salitang babu.

Tinatangi (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon