13: Librong Dala'y Tadhana

191 14 3
                                    

Mabilis na pumasok si Dexter sa kanyang bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabilis na pumasok si Dexter sa kanyang bahay. Naalala niya ang kanyang sinapit sa pagkuha ng Noli Me Tangere sa bahay ni Torres. "Bakit parang kilala ko siya?" Tanong niya nang maisip niya si Fidel.

Flashback

Magpapaalam sana si Fidel kay Torres dahil siya ay pupunta kina Klay. Ngunit narinig niyang sumisigaw ang guro mula sa opisina kaya naman nagmadali siyang makapunta rito. Nakita ni Fidel na nakikipag-agawan ang guro kay Dexter sa libro na Noli kaya sumugod siya upang pigilan ang lalaki. Nabitawan ni Torres ang libro at nakita ng lalaki si Fidel na tumulak sa kanya.

 Nabitawan ni Torres ang libro at nakita ng lalaki si Fidel na tumulak sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ikaw na naman?!" Galit na tanong ni Dexter kay Fidel. Habang abala ang dalawang mag-away, kinuha ni Torres ang libro. Natamaan ng suntok ni Fidel si Dexter kaya siya ay lumayo. "Wala ka na bang ibang pinagkakaabalahan---"

"Manahimik ka!" Sinaktan niya si Fidel gamit ang isang boxcutter na nakita niya. Mabuti na lang at medyo nakaiwas ang ginoo kaya hindi malalim ang kanyang sugat. Sinipa siya ni Dexter at siya ay nawalan ng balanse sa pagkakatayo. Nilapitan niya si Torres at hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo. "Sir, sorry." Ginamit niya ang boxcutter upang saktan si Torres. Napasigaw ang guro sa sakit nang siya'y ilang beses na tamaan sa kanyang braso.

Nakatayo si Fidel kahit siya ay medyo nahihilo at naitulak niya sa salamin si Dexter na kaagad namang nabasag. Hindi na nagbantang manakit ang lalaki dahil nakuha na niya ang kanyang pakay at siya ay sugatan. "Ang libro!" Sigaw ni Torres nang makatakas ang lalaki. Sa likod ng bahay dumaan ang lalaki upang hindi siya makita ng mga kapitbahay. Hinabol ng guro si Dexter at naiwan si Fidel sa opisina dahil nahihilo siya at kumikirot pa ang kanyang mga pasa at sugat.

End of Flashback

End of Flashback

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now