4: Bago Lumubog Ang Araw

246 14 2
                                    

Search: Fidel noli me tangere character

Your search - Fidel noli me tangere character - did not match any documents.

Napabuntong hininga na lamang si Klay nang sinubukan niyang hanapin ang pangalan ni Fidel sa lahat ng bagay na konektado sa Noli Me Tangere.

Napabuntong hininga na lamang si Klay nang sinubukan niyang hanapin ang pangalan ni Fidel sa lahat ng bagay na konektado sa Noli Me Tangere

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"Miss Klay, kanina ka pa aligaga. Ano ba talaga ang iyong problema?" Tanong ni Fidel at mabilis na itinago ni Klay ang kanyang cellphone. "Ah, di ko pa rin kasi mahanap si sir eh. Di ko rin alam kung paano ka makakauwi." Sabi ni Klay at napangiti si Fidel. "Huwag kang mag-alala, Klay. Hindi naman ako nagmamadali sapagkat ako'y natutuwa sa iyong mundo. Bueno, saan tayo patungo? Nais ko pang masilayan ang makabagong Maynila." Ngumiti si Klay upang itago ang kanyang pagkadismaya at inaya si Fidel na maglakad sa loob ng mall. "Akong bahala." (Bueno - Okay, Good, Fine, etc.)

Nakita ni Fidel ang mga sari-saring bagay na nasa loob ng napakalaking mall. Talagang nae-engganyo siya sa mga sasakyan at napatanong pa ng "Paano nila ipinasok ang mga sasakyan sa loob ng gusali?" Natawa nang mahina si Klay bago niya ito sagutin. "Sa bubong... Charot. I mean joke lang. Sa entrance." Nakarinig na naman ng bagong salita si Fidel. Napadaan silang dalawa sa isang arcade na punung-puno ng mga tao kaya naman dinala ni Klay si Fidel sa loob. "Ano ang lugar na ito?" Tanong ni Fidel. "Dito pwedeng maglaro mga bata at matatanda. Gusto mong subukan kung paano paandarin ang sasakyan?" Lumaki ang mga ngiti ni Fidel na parang isang bata at tumango. "Oo, nais kong subukan."

Tuwang-tuwa si Fidel at Klay sa kanilang paglalaro sa loob ng arcade

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Tuwang-tuwa si Fidel at Klay sa kanilang paglalaro sa loob ng arcade. Tinuro ni Klay ang lahat kay Fidel at madali siyang natuto. Halos lahat yata ay kanilang nasubukan kaya naman nabawasan ang lungkot ni Klay. "Sana magkaroon ng ganitong lugar sa amin." Hiling ni Fidel at sumang-ayon si Klay. "Ay nako, sigurado akong magugustuhan nila ang arcade sa panahon niyo." Naisip ni Klay sina Crispin at Basilio. Hindi niya hinayaan na mabalot siya ng kalungkutan at inaya si Fidel na mag-tanghalian. "Nagugutom na ko. Kain tayo."

Sila ay bumili ng makakain nila sa isang fast-food restaurant at may bago na namang natutunan si Fidel nang ibigay kaagad sa kanila ang pagkain

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Sila ay bumili ng makakain nila sa isang fast-food restaurant at may bago na namang natutunan si Fidel nang ibigay kaagad sa kanila ang pagkain. "Fast-food restaurant nga ang lugar na ito. Napakabilis dumating ng ating pagkain." Habang sila ay kumakain, pinagmamasdan ni Klay si Fidel at bumalik na naman sa kanyang isipan ang bagay na kanyang nalaman. Nauhaw naman si Fidel kaya kinuha niya ang kanyang baso at nagulat nang mahawakan ito. "Hindi ganito kalamig ang tubig sa amin at sa inyo. Paano?" Parang isang bata si Fidel na nagtatanong ng lahat ng bagay na kanyang natuklasan kay Klay. "Naalala mo yung ice o yelo? Yung parang niyebe? Sinabihan mo pa nga akong baliw. Anyway, yung lumulutang na yan ang yelong nagpapalamig. Tubig yan." Pagpapaliwanag ni Klay.

Pagkatapos nilang kumain, naglakad muli sila ni Fidel sa loob ng mall. Napadaan sila sa isang bookstore kaya napatigil si Klay nang makita niya ang mga libro ni Dr. Jose Rizal. Nakaramdam siya ng kaba kaya naman hinatak niya si Fidel upang hindi makita ni Fidel ang libro na kanyang nabanggit. Nakita naman ni Klay ang sinehan kaya naisip niyang dalhin dito si Fidel. "Bakit naman napakadilim dito?" Tanong ni Fidel. "Manonood tayo ng movie." Sagot ni Klay. "Ano ang movie?" Pagtatanong muli ni Fidel. "Parang teatro."

Pinili ni Klay ang Throwback Movie dahil mura lang ito at hindi pa rin naman niya napapanood ang movie na "Enchanted" kaya ito ang binili niya. Ngunit hindi niya inaakalang makikita niya si Fidel sa bidang nagngangalang Giselle. "Mabuti na lang at alam ko ang wikang Ingles. Napakaganda kahit simula pa lamang. Salamat at dinala mo ako sa lugar na ito." Bulong ni Fidel habang hindi niya inaalis ang mga mata sa panonood ng movie. "You're welcome." Nalungkot naman si Klay nang mapanood nila ang parte kung saan sumama na si Giselle kay Edward upang bumalik sa Andalasia matapos siyang mapunta sa New York. Napansin naman ito ni Fidel kaya napunta ang kanyang atensyon kay Klay habang nanonood sila sa sinehan.

Pagkatapos nilang manood, naglakad silang dalawa sa labas ng mall at pumwesto kung saan makikita nila ang paglubog ng araw

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Pagkatapos nilang manood, naglakad silang dalawa sa labas ng mall at pumwesto kung saan makikita nila ang paglubog ng araw. Naging payapa ang pakiramdam ni Klay nang mapagmasdan nila ang nalalapit na paglubog ng araw. "Kapag sunset na dati, palagi akong stress at pagod para lang may maiuwi akong pera sa bahay. Ngayon, payapa ang nararamdaman ko..." Wika na Klay. "Hindi ko pa man din tapos yung istorya niyo pero ang dami ko nang natutunan. Yung frustration ko sa Noli, magiging aral pala." Hindi alam ni Fidel ang kanyang sasabihin kay Klay.

"Yung pagpasok ko sa napakagulong mundo niyo, ayon ang nagpa-realize sa akin na hindi lang ako ang may mabigat na pagsubok. Grabe ang impact niyong mga characters sa akin. Kahit sa iyo Fidel. Kahit nakakainis ka, ang dami kong natutunan." Wika ni Klay at natawa silang dalawa dahil dito. Hindi ito inaasahan ni Fidel ngunit gumaan ang kanyang loob sa mga sinabi ni Klay. "Nagagalak ako. Klay..." Sa pagtawag ni Fidel sa kanya, sila'y tumingin sa isa't-isa na tila binabasa ang nasa likod ng kanilang mga mata. "Hindi lang ikaw ang madaming natutunan. Lagi tayong may hindi pagkakaunawaan. Kaya napag-isip isip ko na ang pagiging iba mo ay hindi masama..."

"Ngayon lang kita mas nakilala at maging ang iyong pamilya. Napag-alaman kong hindi na dapat ako dumagdag sa iyong mga alalahanin." Kasabay nang paglubog ng araw, gustong sabihin ni Fidel ang nais ng kanyang puso tungkol kay Klay.

" Kasabay nang paglubog ng araw, gustong sabihin ni Fidel ang nais ng kanyang puso tungkol kay Klay

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"Kaya sa dapit-hapon na ito, sinasabay ko ang paghingi ng tawad sa mga nasabi kong... nakasakit ng iyong damdamin." Sa wakas at nasilayan ni Fidel ang tunay na ngiti ni Klay para sa kanya.

Tinatangi (FiLay)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें