7: Tunay Na Pakay

197 9 2
                                    

Be advised that this chapter contains a scene of violence.

"Dinala sa ospital ang isang babae matapos siyang saktan ng hindi pa nakikilalang suspect. Nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa kanyang katawan..."

Ipinakita ang lugar ng pinangyarihan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ipinakita ang lugar ng pinangyarihan. Nakita ng mga pulis ang baseball bat at ilang mga gamit ni Klay.

"... Hindi pa man nakikita ang suspect ngunit siya ay mahaharap sa kasong aggravated assault."

Dumilat si Klay at bumungad kaagad ang mukha ni Fidel sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dumilat si Klay at bumungad kaagad ang mukha ni Fidel sa kanya. "Klay!" Nawala ang pag-aalala ni Fidel at napalitan ito ng saya nang magising na ang binibini. "May masakit pa ba sa iyong katawan? Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na." Bumangon si Klay at inalalayan siya ni Fidel. Nakita niyang siya ay nasa loob ng emergency room. Napatingin siya kay Fidel at nakita ang pasa sa kanyang mukha. "Thank you. Malaki ang utang na loob ko sa iyo, Fidel. Nasaktan ka tuloy dahil sa'kin." Sabi ni Klay at ngumiti si Fidel. "Wala itong aking natamo. Ikaw, Klay? Ano na ang nararamdaman mo?"

"Medyo masakit likod pero nakakahinga naman na akong maayos. Takot na takot talaga ako kanina. Akala ko deds na ko." Wika ni Klay at nakita niya ang kanyang pamilya na patakbong lumapit sa kanya. "Klay! Bakit bumangon ka kaagad dyan? Humiga ka ulit!" Pinipilit si Klay ni Narcisa na humiga ngunit siya ay hindi pumayag. "Nay, okay lang ako. Ayoko na pong humiga. Masakit sa likod." Wika ni Klay at hindi na siya pinahiga ni Narcisa. "Kuya Fidel ang galing mo po. Napanood ko kung paano mo tinulungan si ate sa tv!" Pagmamalaki ni Elias at silang lahat ay natuwa sa kanyang sinabi maliban kay Ronald. Napangiti si Klay at napatingin si Narcisa kay Fidel.

"Anak, okay ka lang ba? Salamat ha. Pwede ka pang mag-stay sa amin hangga't gusto mo." Sabi ni Narcisa na ikinatuwa naman ni Fidel. "Opo, tiya. Maraming salamat po." Masama naman ang tingin ni Ronald sa kanilang lahat. "Hindi ka pwedeng magtagal dito, Klay. Wala na nga tayong kapera-pera nadisgrasya ka pa." Galit ang tono ni Ronald kaya hindi ito nagustuhan ni Fidel. "Ronald, napahamak na nga anak ko aawayin mo pa!" Galit na sinabi ni Narcisa ito kaya naman gusto ni Ronald na saktan ang kanyang asawa. "Tito Ronald!" Napasigaw si Klay dahil sasaktan ni Ronald si Narcisa ngunit pinigilan siya ni Fidel na ikinagulat naman ni Klay. "Bitawan mo ko!" Hindi niya maialis ang kamay ni Fidel sa kanyang braso.

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now