14: Senyorita Dolores

190 11 3
                                    

Sabay na pumunta sina Klay at Fidel sa bahay ni Torres upang pag-usapan ang nangyari kay Dexter. Hindi na nagulat si Torres nang malaman niyang si Dexter ang kumuha ng libro. "Kung akala mo Klay... Na ikaw na ang pinakamakulit sa mundo ng Noli, nagkakamali ka. Si Dexter ang pinakanaapektuhan sa lahat..." Uminom si Torres ng kape at nagpatuloy sa kanyang kwento. "Naging interesado siya sa iba't-ibang lugar sa makalumang panahon. Nagkakilala sila Ibarra sa San Diego at dito siya nanatili ng ilang araw."

"Tapos, sir? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Klay. "Sa una'y nakakatulong pa siya kay Ibarra. Ngunit napunta ang kanyang atensyon sa isang dayo sa San Diego."

Flashback

"Crisostomo, lilibot muna ako dito sa inyong bayan. Narinig ko kasing may mga magagandang tanawin dito." Pagpapaalam ni Dexter. "Bueno. Dexter, ikaw ay lumibot na at baka ikaw ay gabihin pa sa iyong lamyerda." Wika ni Ibarra at masayang umalis si Dexter sa bahay ng ginoo. Sa kanyang pamamasyal, napatigil siya nang may dumaang isang kalesa sa kanyang paroroonan.

Tila bumagal ang kanyang mundo nang masilayan niya ang isang napakagandang dilag na nakasakay sa kalesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tila bumagal ang kanyang mundo nang masilayan niya ang isang napakagandang dilag na nakasakay sa kalesa. Napatingin sa kanya ang dalaga at mukhang sa unang pagkikita pa lamang nila ay gumaan ang loob nila sa isa't-isa.

 Napatingin sa kanya ang dalaga at mukhang sa unang pagkikita pa lamang nila ay gumaan ang loob nila sa isa't-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa paglipas ng ilang araw, laging pumupunta si Dexter sa lugar na kung saan niya nakita ang babae. Hindi man siya pinalad sa ibang araw, ngunit siya ay nagulat nang makita niya ang babae sa sumunod na pagkakataon. "Magandang araw, binibini." Bati ni Dexter at tumingin sa kanya ang dalaga. "Magandang umaga rin sa iyo, ginoong...?"

"Dexter Velasco. Dexter ang aking ngalan."

"Kakaiba ang iyong pangalan."

"Oo nga eh... Ikaw? Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong ni Dexter. "Ako si Dolores Simbol Y Santa Clara. Ngayon lamang kita nakita sa bayan ng San Diego. Ikaw ba'y katulad ko na isang dayo?" Tanong ni Dolores at tumango si Dexter. "Oo isa akong dayo. Taga-Pampanga ako. Ikaw?"

"Ako'y mula sa Bataan. Karatig probinsya lamang ng Pampanga. Nakakatuwang malaman na ikaw ay mula sa Pampanga." Mukhang nabighani ang dalawa nang sila ay pagtagpuin at nang malaman nilang sila ay malapit ang tinitirahan sa isa't-isa.

Tinatangi (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon