6: Tagapagtanggol

219 11 4
                                    

"Bakit hindi mo sabihin sa akin at nang mapag-usapan natin ito?"

"Pwede bang kapag kasama na natin si sir? Hindi pa ako ready, Fidel. Promise kapag kasama na natin si sir, doon ko sasabihin." Sumuko na si Fidel sa pangungulit niya kay Klay at tumingin sa malayo. "Mukhang mabigat ang bagay na hindi mo masabi-sabi. Bukas na nga lang natin pag-usapan ito..." Napabuntong hininga si Klay at napagtanto ni Fidel na hindi maayos ang kanyang pananalita. "Patawad, Miss Klay. Natakot yata kita sa paraan ng aking pananalita." Kaagad na humingi ng tawad si Fidel at tinapik siya nang mahina ni Klay sa balikat. "Wala yon. Thank you for understanding."

Gabi na nang makauwi sila kaya naman nagpahinga na si Fidel

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Gabi na nang makauwi sila kaya naman nagpahinga na si Fidel. Samantala, si Klay naman ay pinagmamasdan muli ang libro. Nagbabakasakaling umilaw muli ang lagusan ng Noli. "Ano kayang mararamdaman ni Fidel once na malaman niya?" Naalala ni Klay ang kanyang proyektong ipapasa kay Torres kaya napasimangot siya. "May paperwork pa nga pala. Hindi ko pa nga tapos yung Noli eh." Kinuha niya ang kanyang laptop at binuksan ang proyekto niya upang masimulan na ang kanyang isusulat.

"Klay?"

"Fidel?"

"Nasaan na kayo?"

"Sir?" Biglang nagising si Klay nang marinig niya ang boses ni Ibarra. Hinanap ni Klay si Ibarra ngunit siya pala'y nananaginip lamang. "Klay." Sumilip si Fidel sa loob ng kanyang kwarto kaya naman tinakpan ni Klay ang Noli Me Tangere ng isa pang libro. "Good morning." Bati ni Fidel. "Good morning. Na-late na pala ko ng gising." Napansin ni Klay na wala na pala ang kapatid niya sa kanyang kwarto. "Hindi ka na namin ginising dahil mukhang pagod na pagod ka sa iyong ginagawa. Ako ang naghatid kay Elias dahil maaga ring namalengke ang iyong ina. Ang iyong tiyuhin naman ay wala rin at ayoko rin namang malaman kung nasaan siya." Tumingin si Fidel sa laptop ni Klay at natawa siya.

"Thank you, Fidel. Hayaan mo na si tito Ronald. Wala naman siyang ginawang tama." Wika ni Klay at natawa silang pareho dahil dito. "Ang totoo niyan, mayroon siyang nagawang tama." Nagtaka si Klay sa sinabi ni Fidel. "Ha? Ano?" Tanong ni Klay. "Ang kapatid mong si Elias." Sagot ni Fidel at sumang-ayon si Klay sa kanya. "Correct ka dyan, Fidel. Anyway, nilabhan ko kahapon yung mga damit natin galing sa mundo mo. Ayon susuotin natin later. Ready ka na ba?" Tanong ni Klay at ngumiti si Fidel. "Oo, Miss Klay."

"

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
Tinatangi (FiLay)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz