25: Pangungulila Ng Tinatangi

175 12 9
                                    

Sa paglabas nina Klay, natanaw sila ng mga pulis sa di kalayuan. Sinalubong si Torres ng mag-asawa at pinosasan naman si Dexter ng mga pulis. Habang nagdidiwang ang mga tao sa pagbabalik normal ng lahat, si Klay ay naiwang luhaan sapagkat kapalit nito ang pagbalik ni Fidel sa kanyang mundo.


"Fidel..."

Paulit-ulit na tinatawag ni Klay ang ngalan niya nang siya'y mapaluhod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paulit-ulit na tinatawag ni Klay ang ngalan niya nang siya'y mapaluhod. Nagbabakasakaling maririnig pa ang kanyang tinig kahit wala na ang lagusan. Niyakap siya ni Patricia at dinamayan sa kanyang panlulumbay.

Samantala, upang matiyak ang kaligtasan ni Dolores, sinama nina Fidel ang binibini pabalik ng San Diego. Sumama si Dolores kina Clarita. Si Fidel nama'y hindi makatulog. Natatakot siya na sa kanyang pagtulog ay makalimutan na niya si Klay. Kinuha niya ang litrato nilang dalawa at pinagmasdan ito.

 Kinuha niya ang litrato nilang dalawa at pinagmasdan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nawa'y maalala pa rin kita, Klay, na aking tinatangi." Nang antukin si Fidel, pumikit siya habang hawak ang litrato na unti-unting naglalaho sa kanyang kamay kasabay ng pagkawala ng lahat ng makabagong gamit ni Fidel sapagkat hindi ito nabibilang sa kanyang mundo.

"Anong makikita sa portal?"

Ito ang palaging tinanong ng mga mananaliksik at ahente kina Klay mula noong sila'y makabalik. "What happened last week is beyond our knowledge. Can you at least tell us something about this world behind the portal? As per statement of Torres and Dexter?" Tanong ng babaeng PICA Director at tumingin si Klay sa kanya.

 Can you at least tell us something about this world behind the portal? As per statement of Torres and Dexter?" Tanong ng babaeng PICA Director at tumingin si Klay sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tinatangi (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon