3: Isang Mahigpit Na Yakap

287 14 3
                                    

"Fidel, gising na para mapuntahan na natin si Sir Torres."

Narinig ni Fidel si Klay at dahan-dahang niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nakita niya ang suot ni Klay na t-shirt at short na dahilan ng kanyang pagkagulat. T-shirt at pajama kasi ang huling kita niya na suot ni Klay. Umiwas siya nang tingin at umupo nang maayos.

 Umiwas siya nang tingin at umupo nang maayos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dios mio, ayúdame." Sabi ni Fidel at nagtaka si Klay. "Bakit?" Tanong ni Klay. "Ganyan ba talaga ang kasuotan ng mga kababaihan dito?" Wika ni Fidel at naintindihan ni Klay ang tinutukoy niya. "Napag-usapan na natin to kagabi. Macu-culture shock ka talaga sa mundo namin and you have to bear with it. Anyway, kain na. Maligo ka na rin after. Aalis tayo." Sabi ni Klay at tumayo na silang dalawa. (Dios mio, ayúdame - Oh my God, help me)

Pagkatapos nilang mag-almusal, naligo na si Fidel at sinuot ang bagong damit na ipinahiram ni Narcisa sa kanya na mukhang hindi ikinatuwa ni Ronald. "Nagdala na nga ng palamunin yang anak mo, binigay mo pa damit ko." Wika ni Ronald kay Narcisa bago pumasok sa kanyang kwarto. "Pagpasyensyahan niyo na si Ronald. Mainit lang talaga ulo non. Saka okay lang na suotin mo yan, di na kasya sa kanya yan. Oh siya, umalis na kayong tatlo at baka ma-late pa itong kapatid mo." Nagpaalam sila bago umalis ng bahay upang pumunta sa kanilang paroroonan.

"Kuya, friend ka po ba ng ate ko?" Tanong ni Elias. Sasagot sana si Klay ngunit naunahan siya ni Fidel. "Friend? Malabo yon, Elias. Para kasi kaming aso't pusa ng ate mo." Wika ni Fidel at ngumiti kay Elias. Nginitian din siya ni Elias at naglakad papasok ng eskwelahan. Tumigil si Elias at tumingin sa dalawa. "Kuya Fidel, the more you hate, the more you love. Kaya bagay po kayo ni ate kahit aso't pusa kayo. Babye!" Tumakbo si Elias dahil alam niyang hahabulin siya ni Klay dahil sa sinabi niya. "Elias!" Wika ni Klay at narinig niya ang nakakalokong tawa ni Fidel kaya sinimangutan niya ang ginoo.

 "Elias!" Wika ni Klay at narinig niya ang nakakalokong tawa ni Fidel kaya sinimangutan niya ang ginoo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Huwag mo nang habulin ang iyong kapatid. Tama nga naman ang sinabi niya na..." Lumapit si Fidel kay Klay at ibinulong ang "The more you hate me, the more you love... me." Biro ni Fidel at kinindatan si Klay. Tinawanan siya ni Klay na may halong pangungutya. "Ako?! Baka ikaw! Hilig mong mag-assume eh. Tara na nga!" Hinatak niya si Fidel papunta sa sakayan ng jeep.

Tinatangi (FiLay)Where stories live. Discover now