Isa kang dakila...
Sa bawat takdang araling
nais mong iparating,
Nakasalalay ang bawat marka
ng bawat estudyanteng
gustong matuto.Bawat estudyanteng,
hinihimok mo at
tinutulungang pumasa,
nakapagninilay-nilay sila,
sa matayog na pangarap.Isa kang dakila...
Sa matayog na pangarap
na sumisibol sa puso,
nang bawat mag-aaral,
ay kaakibat na kasiyahang,
hindi kailanman mabibili.Hindi kailanman mabibili,
ng pilak at ginto,
ang karunungang iyong,
ipinunla't yumabong,
lumipad at naging matagumpay.Isa kang dakilang...guro.
![](https://img.wattpad.com/cover/37543810-288-k790389.jpg)