Modernong Prosti (3rd place in PluMakata Contest)

191 3 0
                                    

Suot niya'y hapit na hapit,
Na halos lumuwa na ang dibdib,
Sinusukat ang babagay na damit,
Nagbabakasakaling masungkit ang pera't pag-ibig.

Noong bata pa, siya ay dalagang Pilipina.
Walang nalalaman tungkol kay Magdalena,
Isa lamang ang sumasagi sa isip niya;
Sa modernong teknolohiya, siya'y isinilang ng kanyang ina.

Bobo man siya kung maituturing sa mundo ng alindog,
Kung pumorma naman, mga lalaki'y libog na libog.
Dibdib ay tayong-tayo at umiindayog,
Hitik pa sa bunga at hinog na hinog.

Bakit walang alam itong mga batang ito?
Sa mundo ng aliw, lahat sila ay sunod sa uso.
Magdalena, sabihin mo kung totoo,
Ilang kustomer na ba ang napaikot mo?

Gigiling-giling ka noon sa entablado,
Halos masuka ka at tumakbo sa pasilyo.
Nguni't bakit ngayon, kung saan-saan ka na nakatayo,
Naninigarilyo at naghihintay kang ma-pick-up ng kahit na sino.

Nasaan na ang ipinangako mong ikaw ay magbabago?
Iiwanan ang lugar dahil buhay mo ay peligro.
Ilang anak pa ba ang isisilang mo?
Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin umaasenso.

Tingnan mo ang mga batang palaboy- laboy.
Ilan ba sa kanila ang sa tingin mo'y itinaboy?
Ng kanilang inang dati ay binaboy?
At kinalimutang alagaan ang anak na ngayo'y rugby boy.

Palayain mo na ang katawan mo.
Palawakin mo na ang isip mo.
Huwag mong hayaang ika'y muling ma-gago.
Upang tuluyan ka nang umangat sa ibang entablado.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now