Kutong-Lupa

130 1 0
                                    

Nakikita natin sila sa kalsada,
Sa ilalim ng fly-over at iba pa.
Ang iba ay wala ng magulang na kukupkop sa kanila.
Ang iba naman ay hindi tinanggap sila.

Kaya lumaking nag-iisa, walang nag-aalaga.
Kung may magulang man, sila pa ang nag-aaruga.
Sila pa ang nagbabanat ng buto't nagtatrabaho na.
Maibsan lamang ang kalam ng kani-kanilang sikmura.

Swerte na lamang nila kung ang magulang ay nagtitiyaga,
Nakikipagsapalaran rin upang mabigyan ng biyaya,
Ang kaisa-isa o mga anak na galing sa sinapupunan nila,
Na hindi dapat maranasan ang kahirapan at pag-aalipusta.

Pero pa'no kung, snatcher, magnanakaw,
Ang mga magulang nila na lagi'y nang-aagaw,
Nangunguha ng pitakang may lamang pera't iba pa?
May katiting na pag-asa pa ba sa tulad nilang kutong-lupa?

Sa katulad ni Macoy na bata pa,
Hindi hadlang ang mahirap ka.
Basta't may pangarap ka,
Maaabot mo ito kahit na ika'y mag-isa.

Sa mabuting paraan,
Lahat ay dapat mong pagsumikapan.
Dahil kapag pangarap mo ang iyong puhunan,
Makakamit mo ito ng walang pag-aalinlangan.

Kaya Mang Rigor na ama ni Macoy,
Sikapin mong tulungan ang batang palaboy-laboy.
Hindi solusyon ang pagnanakaw na parang kanto boy,
Magtrabaho ka ng sa huli'y biyaya rin sa iyo'y isasaboy.

Tula-La #Wattys2016Where stories live. Discover now