Bangka

385 11 6
                                    

Sa araw-araw na ako'y pumapalaot,
At sinisimulan ang pagsagwan papalayo.
Hindi ako nakakaramdam ng ano mang takot,
Dahil alam kong hindi tayo magkakalayo.

Noong bata pa ako
Hilig na kitang pagmasdan.
Sukat at tibay mo ay nasubaybayan ko,
Kahit saang anggulo ay agad akong napapalingon.

Sa tulad kong malayo sa sibilisasyon,
Na walang alam sa tinatawag na modernisasyon,
Malaking tulong sa amin ang bangkang iniaahon,
Kahit walang gulong tinatawag pa rin itong transportasyon.

Tula-La #Wattys2016Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum