Dyaryo

448 6 0
                                    

Araw-araw kitang binibili,
Pagkatapos ng trabaho ko, pinupuntahan kita sa tabi-tabi,
Sampong pisong pera ko'y, pambayad at walang sukli,
Kulang ang araw ko kapag hindi kita natutupi.

Dahil sayo marami akong nalaman,
Sari-saring kwentong bawat isa ay may laman,
Mapabakbakan man o mapatismisan,
Sikat o hindi man laging may pinag-uusapan.

Papel ka lang kung titingnan.
Para sa iba ikaw ay hindi ordinaryong kasangkapan.
Walang importansiya, walang nakikitang karangyaan.
Para sa iba, waste of time kang basahin ninuman.

Kung iyan ang kanilang pananaw,
Hindi ko sila masisi kung biglaang mundo ay magunaw,
Dahil walang alam sa balitang araw-araw ay nag-uumapaw,
Nang mga tao'y hindi mangmang at uhaw.

Oo at malaki ang nagagawa ng telebisyon at radyo,
Kasangkapang sosyal at kung ano-ano.
Pero paano kung lahat iyon ay maglaho?
Lapis at papel pwedeng pwedeng gawing instrumento sa pagawa ng dyaryo.

Salamat sa balita.
Salamat sa pag-asa.
Salamat sa pagtitiwala.
Sana dumami ka pa!

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon