CHAPTER 33

1.8K 96 11
                                    

Gia Nyx Montenegro

"H-hey Nyx, i-it's you." tugon ng babae.

"A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.

It's been years.

Bakit siya nandito? Don't tell me siya ang mommy ni Gian. No, this can't be. Right?

"W-well. . ." hindi niya natuloy ang sasabihin nang tumakbo palabas si Gian at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Ate Giaaaaaa!" sigaw niya at muling yumakap ng mahigpit sa'kin nang buhatin ko siya.

"I thought you're not coming na kasi you're not responding po sa text ko." she pouted.

"Sorry, nag dri drive kasi ako kanina." I chuckled, napansin ko naman ang pag tingin niya sa babae na kasama ko.

"Oh yes by the way, this is Alexandra—"

"Her girlfriend." pag-singit niya sa'kin,  itatanggi ko sana nang mag salitang muli si Gian.

"She's so pretty po." bulong niya sa'kin at nginitian ko nalang siya.

Narinig ko ang mahinang pag ubo ni Miss Celestine upang kunin ang attention namin.

"Hindi ba kayo papasok?" tanong niya nang parang hindi kami parehas na nagulat kanina.

"Ate Gia, this is my Tita Celestine. She's so pretty po 'di ba." masiglang pag pa pakilala niya sa tita niya at tumango naman ako.

"Pasok na po tayo ate, ni-prepare na po ni mommy ang foods natin." pag aaya rin ni Gian at bumaba sa pag-kakabuhat ko at hinatak kami ni Alexandra papasok sa bahay nila.

Pag pasok namin sa living room nila ay bumungad sa'kin ang matipunong lalaki na ilang beses ko nang nakita.

"Miss Montenegro, you came." baling niya sa'kin at tumango.

"Drop the Miss just call me Gia, wala naman tayo sa trabaho. I'm here because of your daughter." I chuckled.

"Ah yes Gia, kanina pa nga siya hindi mapakali ka-hihintay sa'yo. Masyado ata siyang natuwa dahil may bago nanaman siyang kaibigan." sabi niya at bahagyang natawa.

Ipinakilala ko naman sa kanya ang kasama ko na si Alexandra at familiar naman din daw siya sa family nila dahil tulad ko ay business man din ang Daddy ni Alexandra.

"Tara na sa dining table, I'll introduce you to my wife." alok niya nang naka-ngiti at sinundan namin siya papunta kung saan ang dining table.

Sandali ka ano-ano siya ni Miss Celestine? Naguguluhan na ako ha.

Pagkarating namin sa may dining table namin ay bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto kong tumakbo papalapit sa kanya para mayakap siya pero hindi ko magawa dahil na blangko ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Gia, this is my gorgeous wife Avigale Villiamore-Salazar." pag papakilala niya sa asawa niya emphasizing his surname Salazar along with Avigale's name na akala mo ay namangha sa sariling apelyido na nasa pangalan na ngayon ng babaeng nasa tabi niya.

Ako naman ay nanatiling ang paningin sa kanya na parang nabingi sa narinig, siya rin ay nasa akin ang paningin ngunit ni-isang emosyon ay wala akong makita at mabasa sa mga mata niya. Tinitignan niya ako na parang hindi niya ako kilala at hindi rin siya interesado kung sino man ako.

Nagbaba naman ang paningin ko sa kamay niya para kompirmahin ang narinig, habang sinusubukang makita kung meron nga bang singsing sa kamay niya ay hinihiling ko na sa isip ko na sana ay nag bibiro lang si Shaun. Ngunit napansin ata niya na tinitignan ko ang kamay niya dahil itinaas niya ito at ipinakita ang singsing sa'kin, para tuloy may sumaksak sa'kin lalo na at siya na mismo ang nagpakita nito.

"Hey Gia, I know my wife's beautiful but stop staring at baka matunaw 'yan!" tumatawang baling muli sa'kin ni Shaun upang mapukaw ang aking attention.

"Ah y-yes. Nice to meet you Mrs. Salazar, I'm Gia Nyx Montenegro and this is Alexandra m-my f-friend. " pag pa pakilala ko sa sarili at kay Alexandra, nag offer naman ako ng shake hands ngunit tinignan niya lang ang kamay ko sandali at ibinalik ang paningin sa'kin habang ang kamay ko ay naka-taas pa rin nag hihintay na tanggapin ito.

Ibababa ko na sana ang kamay ko ngunit si Shaun ang humawak nito habang natatawa na halata naman na pilit lang, he's trying to lessen the awkwardness between me and his wife.

"Hey Gia come on! Drop the formality, ikaw na ang nag sabi kanina na h'wag kitang tawagin na Miss hindi ba. So, just call her Avigale." sabi niya na natatawa pa.

"Hey, how long will you chit-chat? The kids are hungry." baling sa'min ni Miss Celestine.

Napansin ko naman ang isa pang batang babae na nasa tabi ngayon ni Gian mag ka edad lang ata sila, naka upo na silang dalawa sa may dining table, naalala ko tuloy si Heaven dahil pareho sila ng mata, ilong, at yung labi niya lalo na ngayon ay naka ngiti ang bata.

Inaya na kami ni Shaun na maupo sa may dining table upang makapag simula na sa pagkain, ngunit ako ay parang gusto ko na magpakain sa lupa dahil sa tingin na ipinupukol sa'kin ngayon ni Avigale. Hindi ko siya tinitignan pero ramdam ko ang paningin niya sa'kin, hangang ngayon ay hindi pa rin nag pro process ang mga nangyaring pag papakilala kanina.

So sa madaling salita si Avi at Shaun ang magulang ni Gian? Parang gusto kong maiyak sa kinauupuan dahil sa nalaman. Huli naba talaga ako? Tama nga siguro si Heaven.

Naudlot ang malalim na pag iisip ko nang kausapin ako ni Alexandra.

"Hey, are you ok? You look so pale." sabi niya at hinawakan ang noo ko upang tignan kung may sakit ba ako, napansin ko naman ang pag lingon sa'kin ni Avigale.

"I-I'm fine lex, don't worry at kumain kana dyan." sabi ko naman sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa noo ko.

"Ate Gia. . ." tawag naman sa'kin ni Gian na nasa tabi ko.

"Yes, baby?"

"This is my cousin nga po pala, Shanry." pag papakilala niya sa batang babae na may hawig kay Heaven.

"Hi po! I heard some things about you and thank you for helping my Ate Gian at the mall!" masiglang aniya habang naka ngiti.

"No worries." naka ngiting baling ko naman sa kanya.

Nag usap din si Shaun at Alexandra regarding sa business ng family ni Alexandra habang itong si Avigale at Celestine ay tahimik lang na kumakain. Muli kong pinagmasdan si Shanry at binaling ang tingin kay Miss Celestine na ngayon ay naka tingin na rin pala sa'kin. Pinag taasan naman niya ako ng kilay na parang tinatanong ako ng "What?" kaya napa iling nalang ako at ngumiti ng tipid.

Muli nanaman akong nanlumo nang maalala ulit ang iniisip ko kanina, tinitignan ko si Avigale na ngayon ay naka-ngiting kausap si Shaun.

Is she happy now? Without me?

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now