CHAPTER 22

2.2K 133 9
                                    

Nakahiga ako sa sofa katabi si Hailee, nanonood kami ng spirited away habang hinihintay yung dalawa na nasa kusina. Akala mo cooking show at napaka init ng labanan nilang dalawa.

Kanina lang ay may dumating na na delivery, talagang bumili pa ng extra ingredients. Mag ha hapunan na din, at kumakalam na ang sikmura ko. Hindi kasi ako nag lunch kanina dahil sa sobrang antok ko.

Sandali pa ang lumipas at pareho nila kaming tinawag upang maupo na sa hapag kainan, katabi ko si Hailee habang yung dalawa ay nag nasa kusina nag pre prepare na ihanda ang pagkain.

"Spaghetti" sabay nilang sambit at inilapag sa dining table ang iniluto.

Nag titigan pa sila na akala mo ay pinapatay nila ang isat-isa sa isip nila, kung nasa anime lang ay makikita mo ang animo'y kuryente sa pag titig nila sa isat-isa.

"Stop competing with me." madiing aniya ni Alexandra, naka tanggap naman siya ng irap kay Miss Avigale.

"Don't be threatened, you're no match for me." Sagot naman ng Tigre.

Nag ka titigan naman kami ni Hailee at sabay na natawa, mukhang pareho kami ng naalala.

"Why are you laughing?" tanong sa'kin nung Tigre habang naka taas ang kilay, agad naman akong tumigil sa pag tawa at umiling.

Bwisit naman kasi dahil naalala ko ang scene nila Aura at Vice Ganda sa The Super Parental Guidance, kung saan ay pareho silang nag alok ng spaghetti sa mga nag tra trabaho.

"I also made a juice, do you want some?" alok sa'kin ni Alexandra.

"No thanks, inuubo ako so pass muna sa cold drinks." i refused while smiling.

"Oh ok. how 'bout you, Hailee?" baling niya sa kapatid ko, pero agad naman itong umiling. Hindi mahilig sa juice ang kapatid ko, chocolate or milk na drinks pwede pa.

"You should eat first." seryoso ani ni Miss Avigale. Yes please, nagugutom na ako huhubels.

Aktong lalagyan ni Miss Avigale ng luto niya ang plato ko nang unahan siya ni Alexandra. Hindi naman na kumibo ang tigre at inasikaso niya ang kapatid ko dahilan upang mapangiti ako. Seeing someone taking care of my sister makes me happy, lalo na at napaka protective ko sa bata na 'to.

Nag simula na kaming kumain ni Hailee habang yung dalawa ay seryoso kaming pinag mamasdan, hindi ba sila kakain? Nakakailang naman dahil tinititigan lang nila kami. Aalukin ko sana sila kumain nang kalbitin ako ng kapatid ko.

"Ate Gia, taste this po ang sarap ng luto ni Ate Avi." masiglang sambit niya at sinubuan ako ng spaghetti mula sa plato niya.

Hindi naman siya nag kamali dahil masarap nga ang luto niya, sakto din ang tamis nito. Masarap din naman ang luto ni Alexandra pero parang konti nalang ay mag mu mukha ng sabaw ang sauce nito. Hindi naman ako marunong mag luto, bakit pa ako mag re reklamo?

"Yup, masarap nga..." naka ngiting sambit ko dito, napa tingin naman ako sa Tigre na ngayon ay halatang nag pipigil ngumiti.

"Finish your food na para makapag hilamos ka at makatulog ng maaga." utos ko dito at nag patuloy naman siya sa pag kain.

Tinignan ko naman ang dalawa, si Alexandra ay parang batang nag mamaktol habang si Miss Avigale naman ay may inaasikaso sa cellphone niya.

"Hindi ba kayo kakain?" pag pukaw ko sa attention nila.

"I'm fine, how's my spaghetti?" tanong sa'kin ni Alexandra.

"It's.. delicious." naka ngiting sambit ko.

"Ikaw Mi- i mean Avigale, hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito.

"Ate Avi, you should eat po. You know what? Ate Gia told me hindi daw po lalaki ang batang hindi kumakain." baling ni Hailee sa kanya, ako naman ay natawa. Mas maliit kasi sa'kin si Miss Avigale, siguro ay 1.56 cm lang siya.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now