CHAPTER 2

3.8K 173 15
                                    

Nandito ako ngayon sa isang restaurant dahil inaya ako ni Miss Celestine na mag dinner kasama sila pagkatapos ng work, tatanggi na nga sana ako pero matigas ang ulo niya.

Ito namang kasama namin na si Ma'am Cyrene ay napaka tahimik, kabaligtaran talaga siya ni Miss Celestine na napaka daming chika.

"Do you have siblings, Gia?" baling sa'kin ni Miss Celestine habang kumakain.

"Yes, i have an 8 years old sister. She's living with my parents, ako lang po ang naka bukod" i have a baby sister dalawa lang kami mag kapatid, kaya mas pinag iisipan ko ang offer ni Daddy dahil ayaw ko na maranasan niya ang natatanggap ko na pressure sa buhay.

"And why is that?" she asked again, habang si Ma'am Cyrene ay tahimik lang na nakikinig.

"I have a condo, ako lang mag isa pero madalas naman doon ang kaibigan ko" pahayag ko at tumango naman siya.

"You know what? You really look familiar. Have we met somewhere? Bar?" natatawang baling niya sa'kin.

"Lagi ka naman nasa bar, Ate. Hindi na nakakagulat kung maraming tao ang familiar sa mata mo" masungit na baling sakaniya ng kapatid.

"Oh stop being masungit, Avi"

"Are you single?" baling ulit sa'kin ni Miss Celestine.

"Yes, unfortunately" natatawang sagot ko, i haven't entered a relationship since me and my ex broke up.

"Really?! Sa mukhang yan? I bet madalas ka din sa bar"

"Hmm yeah, dati madalas ako sa bar unlike like now. So busy with life" sabi ko sakaniya na parang nauumay na sa lahat lahat.

"Your surname is familiar din, are you perhaps related to Nicolas Montenegro?" she asked, hindi na nakakagulat kung kilala niya si Daddy.

"Unfortunately" i said shrugging.

"What about you, Miss Celestine? Are you single?" i asked bago pa niya ako matanong ulit.

"Yes, why are you interested?" nakakalokong tanong niya napailing naman ang kapatid niya.

"I'm just curious tho, you're a one gorgeous woman" hindi naman ako nambobola kasi totoo naman.

"What about your sister?" nag aalangang tanong ko dahil baka sungitan ako.

"Oh Avi? Tsk. Date to marry yung babae na 'yan, kahit isang ex wala! Baka nga wala siyang balak bigyan ako ng pamangkin eh" sabi niya habang umiiling.

"Oh shut up, Ate. It's just that I'm not rushing things in my life, lalo na at busy ako sa company" seryosong aniya kay Miss Celestine.

"Dito ba sa kapatid ko, hindi ka interesado?" baling niya ulit sa'kin kaya napa kamot ako sa ulo.

"Masyado po masungit" bulong ko sakaniya na ikinatawa niya.

She's hella gorgeous like her sister, kaso napaka sungit naman parang tigre.

"Baka may single friend ka jan? Ako na mag alaga"

"Ako po ayaw niyo? Charot! HAHAHAH yes i have a friend. Ipakilala ko sainyo next time" I'm sure mag kakasundo sila ni Heaven.

Natapos kami sa pagkain kasabay ng napakaraming kwento, hindi naman din gaano kumikibo yung tigre dahil madalas ay si Miss Celestine lang ang nag sasalita.

Pagkauwi ko sa condo ay hindi naman nakakagulat na maabutan ko doon si Heaven na nakahilata na sa sofa.

Siya lang naman ang kaibigan ko ba't pa ba ako mag re reklamo. Simula high-school pa man ay mag kakilala na kami nitong si Heaven.

"Oh, ba't parang lugmok na lugmok ka dyan?" baling niya sa'kin.

"Ikaw ba naman tambakan ng trabaho sa first day mo tapos ang sungit pa ng boss mo" busangot ko at tumabi sakaniya sa sofa.

"Why not just consider Tito's offer? Hindi kapa ba talaga ready? Hindi kana rin naman bumabata Nyx"

"I don't know, Ven. It's just that i don't want to disappoint Daddy, you know naman na kapag dating sa mga company niya ay hindi siya mag papahuli" Hindi naman na siya sumagot dahil alam naman niya na ang tungkol dito.

"At ikaw, ba't napaka blooming mo?" tanong ko sakaniya.

"Hindi ba pwedeng maganda lang talaga ako for no reason?" sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

"Ikaw ha! Nag dududa na ako sayo. Nadiligan ka ano?!" tanong ko sabay hagalpak.

"Tanga! Bastos ng bunganga mo. Hindi naman ako ikaw, gaga"

Tinawanan ko nalang siya at kinuha ako cellphone ko para mag scroll sa fb.

'Celestine Ivory Villiamore sent you a friend request'

_

Sabaw na chapter muna po tayo dahil ubos na brain cells ko, kasalanan ni sir 'to. Char HAHAHA

Have a good day everyone!

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now