CHAPTER 7

2.6K 153 33
                                    

Kakatapos lang ng trabaho ko at ito ako ngayon halos madapa na ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ko dahil ilang araw ko na napapansin na may sumusunod sa'kin, tulad nalang ngayon akala siguro nila hindi ko sila napapansin.

"Nyx, uuwi kana?" sabi ni Miss Celestine nang maka salubong ko sila ni Miss Avigale sa parking lot.

"Y-yes po" hingal na baling ko sakaniya.

"What happened? Ba't parang may humahabol sayo?" she asked.

"Feeling ko po kasi may sumusunod sa'kin, balak ata ako patayin" natatawang usal ko sakaniya.

Napatingin naman siya sa kapatid niya na akala mo naman nag kakaintindihan sila sa pagtitig lang sa isat-isa.

"Mag di dinner kami, come with us" Baling ulit sa'kin ni Miss Celestine.

"Ah hindi na po, next time nalang po siguro" pag tanggi ko.

"Sasama ka o mawawalan ka ng trabaho?" sabi naman ni Miss Avigale.

"Eto na nga po sasama na"

Doon nalang kami sa kotse ni Miss Celestine sumakay para iisang sasakyan nalang daw ang dalhin namin.

Nandito kami ngayon sa isang five star restaurant at bigla akong nabusog sa mahal ng mga pagkain na nasa menu.

"It's my treat, Nyx. So order ka lang ng kung ano gusto mo" baling sa'kin ni Miss Celestine habang pumipili ng o orderin niya.

Hindi naman na ako umangal at sinabi sa waiter ang pagkain na natipuhan ko.

"So ang sabi mo kanina ay may mga sumusunod sayo?" tanong sa'kin ni Miss Celestine habang kumakain.

"Yes po, nung isang araw ko lang din po napansin. Tuwing lalabas ako ng trabaho at uuwi" pagpapaliwanag ko.

Binigyan naman niya ng nakakalokong tingin ang kapatid, kanina pa sila nag tititigan ha ano meron?

"I like your bracelet, what does G.N stands for?" aniya habang naka tingin sa braso ko kung saan naka suot ang bracelet na tinutukoy niya.

"It's my initials, Gia Nyx. Pina sadya ko po talaga 'to, regalo ko sa sarili ko. Well meron po 'tong kasama na necklace pero wala na po sa'kin 'yon ngayon" mahabang pagpapaliwanag ko.

"And why is that? Binigay mo ba sa special someone mo?" she asked habang yung kapatid naman niya ay nananahimik padin at nakikinig lang habang kumakain.

"Hmm it's not really a special someone to be honest, hindi ko din po alam kung bakit ko iniwan sakaniya. Feeling ko lang talaga na mag kikita kami ulit kahit hindi ko gustuhin?" i said shrugging.

"How did you two met? I mean if you don't mind me asking"

"Oh well paano ko ba sasabihin hmmm..It's a one night stand?" sabi ko at bigla namang nabulunan ang kasama namin.

"Miss, ito po tubig" sabi ko at inabot sakaniya ang isang baso ng tubig.

"T-thanks"

"Oh that's.. Interesting" sabi ni Miss Celestine at marahang tinignan ang kapatid.

"At iniwan mo yung 'someome' na 'yon pagkatapos nung nangyari?" baling niya ulit sa'kin.

"Umm yes?" tanging naisagot ko habang napakamot sa ulo kaya tumango nalang siya.

"But if ever na hanapin ka niya at mag tagpo ulit kayo, willing ka ba na makilala siya?"

"I mean it's been years pero why not? It's not a bad idea din"

"Is she pretty?" tanong niya ulit.

Inisip ko naman yung tanong niya matagal na simula nung nangyari 'yon.

"Well matagal na simula nung nangyari 'yon siguro mas nag matured or i don't know yung itsura niya, pero that day? I am freaking sure she's gorgeous" natatawang sabi ko at isinubo ang pagkain ko.

And again nakita ko nanaman ang pag sulyap niya sa kapatid at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Where did you two met?" she asked.

"Hmm sa TNC po dun sa bar kung saan tayo nag inom kasama si Heaven" sabi ko at lalong lumawak ang ngiti niya.

"Do you want me to help you find her?"

"Hindi na po, hindi ko naman po siya hinahanap. Bahala na kung pag tagpuin man kami" sagot ko na ikinatango niya.

I honestly don't know kung gusto ko siya makita dahil baka may sama ng loob sa'kin 'yon dahil iniwan ko lang siya pagkatapos nung nangyari.

_

Hiii sorry kung na medj late ang ud for today may inaasikaso kasi ako.

Anyways, goodnight everyone! Sleep well and sweet dreams.

Vote and comment ;) ✨

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now