CHAPTER 19

2.3K 124 18
                                    

Nandito na kami sa parking lot at itong si Alexandra ay naka lingkis sa leeg ko habang nag lalakad kami patungo sa kotse ko, lasing na lasing na ang gaga pa ano ba naman ay ayaw mag paawat kanina.

"Giaaaa, i mishyu so so sooo muchh" sabi niya habang mahigpit na hinawakan ako sa mag kabilang pisngi.

"You're drunk, Lex. Let's go na ihahatid na kita." sabi ko at hinila siya papunta sa kotse.

"Where's Lizander?" baling ni Miss Celestine sa kapatid.

Tinignan ko naman si Heaven na ngayon ay lugmok na habang naka yakap kay Miss Celestine, feeling ko talaga ay may something sakanilang dalawa na hindi nila sinasabi.

"He went home, nag pasundo na siya sa driver niya dahil hinahanap na siya sakanila." sagot ni Miss Avigale habang naka kunot ang noo.

"Heyyy youuu em talkin to youuuu ishtap ignoring meyyy" pag pukaw ni Alexandra sa attention ko at inalog-alog ako.

"What?"

"I wanshuback." lasing na aniya.

"Ano?" tanong ko ulit dahil hindi ko siya maintindihan.

"Pleash come back, i wanchubbak." naluluhang aniya at aktong hahalikan ako nang biglang may humigit sa kamay ko dahilan upang mahiwalay ako kay Alexandra.

"M-miss Avigale, yung kamay ko po. Nasasaktan ako." baling ko sa Tigre na ngayon ay parang papatay na sa init ng ulo.

"Get in." madiing aniya habang pinapa pasok ako sa kotse.

"Pa ano sila Alex-"

"GIVE ME THE KEYS."

Hindi na ako umangal at iniabot sakaniya ang susi ng kotse ko at sumakay na sa passenger's seat. Kinausap pa muna ni Miss Avigale ang kapatid niya bago sumakay sa driver's seat.

"Saan po tayo pupun-"

"Shut up, Montenegro." sabi niya at mabilis na pina andar ang sasakyan.

"Miss Villiamore, kailangan ko po maihatid si Alexandra at baka hanapin siy-"

"Hindi ka pa ba nabusog kanina at hangang ngayon ay siya pa rin ang bukang bibig mo?" nanggagalaiting tanong niya.

"It's not like that-"

"Then what?!"

"Why are you even acting like that? As if i did something wrong." naiiritang tanong ko sakaniya kaya bigla niyang inihinto ang sasakyan.

"What did you say?!"

"Kung magalit ka ay akala mo..." tumigil ako sa pag sasalita at tinig siya na ngayon ay naka taas na ang isang kilay.

"...akala mo hindi mo na muntik halikan yung tuko kanina." mahinang sambit ko at nag iwas ng tingin.

"Are you jealous now, Miss Montenegro?"

"Wow! Ako pa talaga?" sambit ko sakaniya na akala mo ay namangha sa narinig.

"Denial." iiling-iling na aniya at nag patuloy sa pag ma maneho.

Hindi ko na siya inimik at tumingin na sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi ako mapa kali dahil nag aalala ako kay Alexandra, kahit ano naman ang nangyari dati ay hindi pa rin naman mababago non na may pinag samahan pa rin kami. Lalo na at naging mag ka kaibigan din kaming tatlo ni Heaven.

Napag desisyonan ko na tawagan ang number na ibinigay ni Alexandra upang kumpirmahin kung naka uwi na ba siya.

"Hello Lex? Naka uwi kana na?" tanong ko sa kabilang linya nang sumagot ito.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now