CHAPTER 16

2.3K 130 49
                                    

Natapos ang ride namin sa ferris-wheel ay hindi ko pa din ma proseso ang nangyari kanina, habang siya ay parang wala man lang nangyari.

"Hoy, libre mo nga ako nagugutom ako." kalabit sa'kin ni Heaven, habang yung mag kapatid ay nasa likuran namin nag uusap.

"Ano gusto mo ba?"

"Ayun doon tayo may nag titinda foods." turo niya sa mga booth na naka hilera sa labas.

Tinawag naman namin ang mag kapatid at sinabihan na maupo na muna at bibili kami ng makakain.

"Ano gusto mo?" tanong ko sakaniya habang kinukuha ang wallet ko.

"Dalawang siopao.." sabi niya habang nag iisip pa.

"Gusto ko din ng suman."

"Potangina mo gabi na mag su suman kapa?!"

"Wala kang pake, bilhan mo nalang ako."

"Yun lang ba?!"

"Isang siomai rin pala." sabi niya sabay nag peace sign. Patay gutom.

"Dalawang siopao, isang suman, isang siomai?" tanong ko sakaniya.

"Oo tanga, dali nagugutom na ako."

"Ok. dalawang siopao, isang suman, isang siomai." mabilis na pag recall ko sa mga sinabi niya.

"Ma'am ano po ang sainyo?" tanong sa'kin nung nag titinda.

Bigla tuloy akong na pressure at nalimutan ang mga sinabi ko kanina lang.

"Isang shumao" mabilis na sabi ko kaya itong katabi ko halos mamatay na kakatawa.

"HAHAJWUAHHA POTANGINA KA! anong shumao?!" hagalpak niya na may pahampas pa sa braso ko.

"Tangina ka ang dami kasi! Ikaw nalang mag order ayan pera." naiiritang baling ko sakaniya at ini abot ang pera galing sa wallet ko at nilayasan siya.

Hindi naman na din kami nag tagal sa Skyranch dahil sumasakit na daw ang paa nitong mag kapatid.

"Hoy, shumao! HAHAHA" tawag sa'kin ni Heaven habang nag lalakad kami dito sa parking lot.

"Ano tangina ka?!"

"Balita ko open na daw ulit yung walking street, punta tayo?"

Isang lugar na puno ng bar ang tinutukoy niya, hindi naman din ganon kalayuan. Tinignan ko ang oras at hindi pa naman ganon ka late kaya hindi naman siguro masamang ideya ang mag inom ng konti.

"May trabaho ako bukas, mag iinom tayo?" tanong ko sakaniya.

"Don't go to work tomorrow, I'll take care of it." singit naman ni Miss Avigale.

"Oh ayun naman pala! Special treatment for our shumao."

"Why are you even calling her, shumao?" takang tanong naman ni Miss Celestine.

"Pano ba naman kasi nag order kami kanina. Ang sabi ko dalawang siopao, isang suman at isang siomai. Itong gaga tinanong lang nung nag titinda nakalimutan lahat! Ang nasagot niya tuloy shumao." sabi niya at humagalpak nanaman ng tawa at sinabayan naman siya ni Miss Celestine.

"Ewan ko sayo! Ang dami dami naman kasi nung inorder mo. Patay gutom!" sabi ko at nilapitan na ang motorbike ko.

Hindi na ako nakipag talo pa sakaniya at isinuot na ang helmet ko, humarap naman ako sa tigre upang isuot sakaniya ang isa pa.

"Hi shumao." inosenteng aniya na may matamis na ngiti habang inaayos ko ang helmet niya, ganon naba ka sweet ang labi ko para maging sweet siya ngayon? Charot.

Stupid Cupid [COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें