CHAPTER 21

2.3K 115 13
                                    

Weekend nanaman and Miss Avigale gave me a day off, nandito lang ako sa condo naka tunganga, naiinip hindi alam ano pag kaka abalahan. Wala din si Heaven may inasikaso daw, naalala ko naman ang libro na ibinigay ni Miss Celestine nung isang araw.

Agad kong kinuha ang bag ko kung saan ko inilagay ang libro, hindi naman sa interesado ako pero wala naman kasi akong ibang gagawin. Why not try to read 'di ba?

Binuklat ko ang unang pahina ng libro at nag basa-basa, Definition of courting someone and some tips.

"Make her laugh? How am i suppose to make her laugh, kung lagi nalang mainit ang ulo niya sa'kin." iiling-iling na ani ko.

"Be friend with her, This will also help you foster a genuine friendship with her. Makes sense."  pag sang ayon ko sa nabasa.

Nagpatuloy ako sa pag babasa nang biglang tumunog ang doorbell, binitawan ko muna ang libro sa center table at tinungo ang pinto.

"Atee Giaaaa, i missed you so so much po." salubong sa'kin ni Hailee ay yumakap sa beywang ko, tinignan ko naman kung sino ang kasama niya.

"Mommy, what are you doing here?" tanong ko at binuhat ang kapatid ko na agad naman na yumakap sa leeg ko.

"Iiwan ko muna sa'yo ang kapatid mo,  walang mag babantay sa kanya dahil may aasikasuhin kami ng Daddy niyo." mahaba niyang paliwanag at iniabot sa'kin ang gamit ni Hailee.

"Ok, I'll take care of her. Mag-iingat po kayo ni Dad." niyakap ko pa si Mommy bago siya umalis, hindi na din siya nag tagal dahil mukhang napaka importante ng lakad nila.

"Did you eat na ba?" tanong ko sa kapatid ko at iniupo siya sa sofa na nasa living room.

"Nope, i want some spaghetti po." sabi niya na may pa puppy eyes pa.

Napa kamot naman ako sa ulo nang maalala ko na wala akong ingredients na naka tabi para sa spaghetti, kaya naisipan ko na pumunta muna kami sa super market.

"Bili muna tayo ingredients, wait for me mag bibihis lang si ate." tumango naman siya at agad akong pumunta sa kwarto upang mag palit ng damit, nag suot nalang ako ng hoodie lalo na at napaka ginaw dahil maulan nanaman.

Pinasuot ko din kay Hailee ang jacket niya para hindi siya lamigin, kinuha ko na agad ang susi ko at umalis na ng condo kasama siya para agad kaming maka balik.

Hindi naman ako gaano marunong mag luto, usually kung mag luluto ako ay para sa'kin lang kaya walang problema. Kapag naman kasama ko si Heaven ay minsan siya ang nag lu luto o kaya naman ay mag o order nalang kami.

Agad naman kaming naka dating naman kami agad sa pinaka malapit na super market, pag ka pasok ay kumuha ako ng isang push cart at nag presinta naman ang kapatid ko na siya ang mag tutulak. Ganyan ang gusto niya nag e enjoy siya sa simpleng push cart lang.

Naka ngiti ko namang siyang kinunan ng letrato upang ipakita kay Mommy, at nag post na din ako sa timeline mo. With a caption "How to cook spaghetti for my little sister?". Pag katapos ay nag hanap ako ng recipes sa internet upang alam ko ang bibilhin ko.

"Ate Gia, look po i found the pasta!" masiglang aniya ni Hailee habang itinuturo ang naka hilerang pasta.

"Ok let's buy 2 packs of pasta." naka ngiting baling ko sa kanya na sinunod naman niya.

Sunod-sunod nama naming hinanap ang iba pang ingredients na kailangan namin para sa spaghetti, hindi naman kami nahirapan lalo na itong kapatid ko ay napaka liksi.

Pag katapos namin mag bayad ay nag tungo na kami sa parking lot upang agad na maka balik sa condo, pag katapos kong ilagay sa backseat ang mga pinamili namin ay pina sakay ko na siya sa passenger's seat at inayos ang seat belt niya.

Sasakay na sana ako nang tumunog ang cellphone ko, ni-check ko ito only to see na galing sa Facebook ang notification.

'Alexandra Fuentrino commented on your post.' na agad ko namang pinindot.

"I miss Hailee. I'll come over, i gotchu babe!" Comment niya na ni-heart ko nalang.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang may mag pop nanaman na notification.

'Avigale Cyrene Villiamore commented on your post.' Wow naman namamansin pala siya sa social media? Agad ko naman din tinignan ang comment niya.

"OTW" pati ba naman sa pag comment ay na paka tipid niya? Iiling-iling ko naman ibinulsa ang cellphone ko at nag maneho na pa balik ng condo.

Pag ka baba namin ni Hailee sa kotse bitbit ang mga pinamili namin ay nakita ko agad yung dalawa na halos mag patayan sa kakatitig sa isat-isa, nilapitan ko naman sila kasama ang kapatid ko at kita naman na nakuha namin ang attention nilang dalawa.

"Owemji, Haileee you're a big girl na-"  naputol ang sasabihin ni Alexandra ng lagpasan siya ni Hailee.

"Ate Aviiiii." masiglang baling ng kapatid ko at patakbong nilapitan si Miss Avigale at mahigpit itong niyakap, nasilayan naman ang ngisi nito habang naka tingin kay Alexandra.

"Why are you both here?" tanong ko sakanila.

"I'll cook for Hailee." sabi ni Miss Avigale habang buhat buhat ang kapatid ko.

"I'll help you cook spaghetti." ani naman ni Alexandra.

"Ano pa ba magagawa ko at nandito na kayo? Tara na po pasok na tayo baka abutan pa tayo ng ulan dito." pag aya ko sa kanila.

Pag pasok namin sa condo ay agad akong dumiretso sa kusina upang ayusin ang pinamili namin, bigla naman may humablot sa'kin ng paper bag.

"I'll handle this, play with your sister." baling sa'kin ni Miss Avigale.

"Miss Avigale, bisita ko po kayo kaya ako na po ang bahala."

"Stop with that "Mis Avigale", wala tayo sa office." sabi niya at inikutan ako ng mata.

Mukhang wala naman siyang balak na umupo lang sa living room dahil ito nga ata ang ipinunta niya dito.

"I'll cook-" natigilan naman si Alexandra sa sasabihin nang makita si Miss Avigale na nag aayos sa kusina.

"I can handle this, Miss Fuentrino." malamig na aniya naman ng Tigre.

"W-why not cook together po 'd-di ba?" suhestiyo ko dahil baka mag saksakan pa sila dito ng wala sa oras.

Hindi naman nila ako kinibo kaya pinuntahan ko nalang si Hailee sa living room na nag babasa ng libro niya, kaya naisipan ko nalang ulit basahin yung libro na ibinigay ni Miss Celestine.

"Serenade her ha?" tatango tangong basa ko, this is a common way to court someone and i find it corny. I mean not my thing i guess?

Inip na inip na talaga ako, bago ko pa man isara ang libro ay napukaw ng mata ko ang isang linya na naka sulat.

"Family must give permission"

counted ba kung boto naman sa'yo yung ate niya?

_

A/N: Shalaaa may update HAHAHA
Good evening sa inyoo! Eat na kayo dinner niy. Mwa mwa!

Monday nanaman bukas, sa mga mag sisimula pa lang ang klase bukas. GOODLUCK PO SA INYO! at sa mga f2f naman ay mag iingat po kayo ha? Goodluck! Love you all.

Vote and comment✨

Stupid Cupid [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن