CHAPTER 3

3.3K 178 33
                                    

Mag iisang linggo na ako sa trabaho, thankfully nakakaraos naman sa kasungitan ng boss ko.

Nandito ako ngayon sa The Night Club kasama si Heaven, nag kayayaan dahil day off ko naman daw bukas.

"A shot of martini?" bungad sa amin ni Marcus, bartender dito TNC. Ito lang ang laging bar na pinupuntahan namin kaya hindi na nakakagulat na familiar na siya sa amin.

"Yes please, Marcus" sabi ni Heaven sakaniya at naupo na sa barstool sa tabi ko.

"I miss this!" i said.

Ang tagal ko na hindi nakalaya ng ganito, this is the freedom i want. Malayo sa mga pressure na dulot ng surroundings ko.

Hindi naman na nag tagal ay naka rami na kami dahil ang bilis lang maubos ng iniinom namin.

"May balak kaba tonight?" Heaven asked, i know what she's talking about. I mean it's been awhile.

"I don't know? Let's see" i said shrugging.

"Come on, Nyx. Wala kaba balak mag tino talaga? You're like-able naman if that's even a word. Why not try to date seriously, i mean open up your heart girl!"

"Stop with your nonsense, Heaven"

"Nonsense? Oh come on Nyx! Don't tell me siya pa rin? It's been decades, for gods sake" dismayadong sabi niya.

"It's not like that stupid, i just can't" ang hirap naman kasi mag tiwala ulit, nakakatakot.

"Why don't you try? It's not like everyone is like her" sabi niya at inikutan ako ng mata.

"Then give me a reason to love again, Heaven" i said habang umiiling.

Hindi ko na muna siya kinibo dahil baka san pa mapunta ang usapan namin, napag desisyonan ko nalang na buksan ang cellphone ko dahil sakto ay may nag message.

Celestine Ivory Villiamore

I see youuuu!

Nag taka naman ako sa sinabi niya at nagpalinga linga, mag re reply naman na sana ako nang bigla siyang mag send ng picture.

Looking for me?

Nag send siya ng picture ko na halos ka ka kuha lang, she's here?

Mag re reply na sana ako, and again hindi na natuloy. Dahil bigla nalang may nag salita sa tabi ko.

"Having a good drink, Nyx?" bungad sa'kin ni Miss Celestine na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Good evening po Miss Celestine" bati ko sakaniya at inoffer na maupo siya sa bakanteng stool sa tabi ko.

"Come on, just call me Tine. Wala naman tayo sa office, and I'm with my sister by the way"

"Good evening po, Miss Avigale" baling ko namam sa tigre at tinanguan lang ako.

"Oh and I'm with a friend!" sabi ko sakanila at siniko si Heaven sa tabi ko para mag pakilala.

"Hi po, I'm Heaven Shania Vendrada" pag papakilala niya at iniabot ang kamay niya na agad inabot ni Miss Celestine.

"What a pretty name nice to meet you, Heaven. I'm Celestine Ivory Villiamore, call me Tine. And this is Avigale Cyrene Villiamore, my sister" pagpapakilala ni Miss Celestine nang hindi binibitawan ang kamay ni Heaven.

"Such a flirt, ate" rinig naming bulong ni Miss Avigale kaya natawa kami.

"I love your necklace" baling ko kay Miss Celestine, may suot siyang kwintas. A very familiar one.

Lumipat kami sa isang table na hindi gaanong crowded dahil naiirita daw itong kasama naming tigre, medyo nakakarami na din kami ng nainom. Itong si Miss Celestine naman ay napaka tibay, halos silang dalawa lang din ni Heaven ang nag uusap. Sabi na at mag kakasundo sila.

"Miss Avigale, ok ka lang?" baling ko sa katabi ko na ngayon ay namumula na dala ng alak.

"I'm fine, don't mind me" malamig na aniya.

Napansin ko naman ang mga lalaki na pinagmamasdan ang expose niyang binti, ba't naman kasi napaka ikli ng suot niya? Tsk ang sarap manapak ng manyak.

"What's that for?" nagtatakang tanong niya habang naka taas ang kilay, ang sungit.

"Cover your legs, Miss. Ang daming manyak" sabi ko pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa'kin kaya ako nalang ang nag takip ng legs niya gamit ang jacket na dala ko.

Nag alis na siya ng tingin sa'kin at nag patuloy sa pag inom, sungit talaga nito.

"Nyx, add to cart ko na friend mo ha" baling sa'kin ni Miss Celestine at kinindatan ako.

"Hala Miss! Parang kapatid ko na po 'yan ha alagaan niyo. High maintenance ang daga ko na yan" natatawang sabi ko na ikinabusangot ni Heaven.

"Grabi ka maka daga!" sabi niya na parang batang nag mamaktol.

"Totoo naman ha, ikaw nga umuubos ng stocks ko sa condo" sabi ko at iiling iling na uminom.

"Alright, swap tayo. I'll take your daga then you can have that tiger" sabi ni Miss Celestine habang tinuturo ang kapatid, lalabas pa ata sa ilong ko yung iniinom ko na alak dahil sa sinabi niya.

'I can't handle a Tiger' That's a.. Wild one.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now