CHAPTER 17

2.3K 107 20
                                    

Kahit masama ang loob ko ay pinaandar ko ang motorbike ko pauwi ng condo, Kasama padin namin ang magkapatid dahil inaya ni Heaven na doon muna sila mag palipas ng gabi.

Nasira ang isang rear-view mirror nitong si bonnie, may mga iilang gasgas din kaya halos maiyak ako kanina. Wala pa akong extrang pera na naka tabi para lang maipagawa si bonnie, ba't naman kasi niya sinipa.

Wala ako kinibo ni isa sakanila simula noong makarating kami dito sa condo, agad ko tinungo ang kwarto ko para maka ligo dahil amoy na amoy sa'kin yung alak na ibinuhos sa leeg ko.

Bago lumabas sa banyo ay nag suot ako ng Calvin Klein bike shorts na tinernuhan ko lang nitong sports bra ko.

Habang nag pupunas ng buhok palabas sa banyo ay may humila sa braso ko at inihiga ako sa kama, agad naman siyang pumatong sa itaas ko bago pa ako umangal at naupo sa bandang puson ko.

"W-what are you doing, Miss Avigale?" kinakabahang tanong ko.

She's staring at me blankly, hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

"G-get off me-" itutulak ko na sana siya paalis sa ibabaw ko nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at idiin sa kama.

"Did you like it?" sabi niya habang nanatiling nakatingin sa mga mata ko, Mga mata niya na kung makakapatay man ay kanina pa ako pinag lalamayan.

"Like what? Ano po ba ikinaiinit niyang ulo mo?" iritabling tanong ko sakaniya.

"Do like the way she.. She lick your neck?!" namumula sa galit na sambit niya at lalong idiniin ang braso ko sa kama.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

'Wag niyang sabihin na dahil lang doon sa nangyari sa bar ay halos patayin na niya ako ngayon.

"I told you i like you, damn it!" dismayadong aniya.

"Ano naman ang kinalaman niyang nararamdaman mo sa nangyari kanina?"

Dahil sa tanong ko ay lalo atang uminit ang ulo niya.

She aggressively held my face and slammed her lips in mine, para akong nakaramdam ng kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko.

She started moving her lips habang ako ay parang na estatwa lang at hindi maka galaw.

"Urghh-- M-miss Avi-" ungol ko ng dampian niya ng mga halik ang leeg ko.

"Your neck, she left a hickey on your neck." malamig na aniya habang naka tingin sa leeg ko.

"H-hindi ko a-alam ang sinasabi mo, baka k-kagat lang 'yan ng lamok." pag papatay malisya ko, kairita naman kasi na babae na 'yon at bakit binigyan pa ako ng hickey.

"You can't fool me."

"I-it's not like i t-told her to give me a hick-"

"But i told you earlier na 'wag kang pupunta hindi ba." sabi niya, naguguluhan ako kung bakit kailangan niyang umarte ng ganito.

"Stop acting like that we're not even in a relationship, Miss Avigale." nauubos na pasensyang sambit ko.

"Yet" maikling aniya at nahiga na sa dibdib ko na akala mo ay 'wala siyang ginawang kalokohan.

"Get off me, i need to sleep." sambit ko sakaniya.

"Then sleep, I'll sleep right here. I'm tired so shut your mouth." sabi niya habang naka pikit ang mata, hindi na ako umangal dahil baka ano nanaman ang gawin niyang kalokohan.

Lumipas ang ilang minuto ay mulat na mukat padin ako, habang itong nasa ibabaw ko ay napaka himbing ang tulog.

Hindi ako makatulog, iniisip ko yung mga nangyari kanina sa bar. At yung ginawa niyang pag halik sa'kin.

Nung una ay sa ferris-wheel, ngayon ito naman. Pero ang mas hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko man lang siya maitulak para pigilan.

Tuwing hahalikan niya ako ay hindi man lang ako makaramdam ng inis, para akong nawawalan ng lakas at hindi ko siya maitulak palayo. Hindi ako maka angal, pero hindi ko siya hinahalikan pabalik.

_

Lumipas ang umaga na ilang oras lang ang tulog ko, hindi ko na din naabutan sa kwarto si Miss Avigale. Ang sabi ni Heaven ay nauna na daw sila dahil pareho pa silang may trabaho.

Napag pasyahan ko nalang na maligo upang makapasok na ako sa trabaho, ang unfair naman kasi kung hindi ako papasok pero mag sweldo ako.

"Hoy sandali nga, lumapit ka nga dito babae!" tawag sa'kin ni Heaven habang nag papatuyo ako ng buhok sa harap ng salamin.

"Napano ka?"

"Ano yung nasa leeg mo?"

"Ito?" tanong ko at itinuro ang hickey na iniwan sa'kin nung babae sa bar kagabi.

"Hindi ba sinabi ko na 'to sayo kagabi? Ito yung gawa nung babae sa bar." mahinahon na sabi ko sakniya.

"Gaga! Hindi 'yan. Yung nasa kabila!" sabi niya at iniharap ako sa salamin sabay turo sa leeg ko.

Laglag ang panga kong pinaka titigan ang leeg ko, may isa pang hickey. Pero ang alam ko lang ay yung iniwan sa'kin nung babae sa bar kagabi.

Saan galing 'to?!

"Sino may gawa niyan?" nakakalokong tanong niya sa'kin.

"Tanga hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Anong nangyari sainyo ni Miss Avigale?"

"Wala! Ikaw anong nangyari sainyo ni Celestine?" nakakalokong tanong ko sakaniya pabalik.

"Wala!" Sinasabihan akong denial isa din naman siyang hindot siya.

"Maiwan muna kita jan, papasok na ako sa trabaho. Make sure to lock the door kung aalis ka." paalam ko sakaniya at kinuha na ang susi ng sasakyan ko.

"Hindi ba sabi 'wag ka na muna papasok?" tanong niya sa'kin habang nanonood ng tv.

"Nakakahiya naman kung hindi ako papasok, 'wala din naman akong gagawin dito sa condo." sabi ko at tinanguan nalang niya ako, tambay siya dito sa condo ko dahil 'wala pang trabaho ang bruha.

Naglakad na ako patungo sa pinto at saktong bubuksan ko ito nang tumunog ang doorbell.

"Sino 'yan, Nyx? Ang aga naman ata ng bisita mo." sigaw ni Heaven mula sa living room.

Binuksan ko naman agad ang pinto at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa taong tumambad sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" halo halong emosyon na tanong ko sakaniya.

"Babe" sambit niya at mahigpit akong niyakap.

_

A/N: Ito na hindi na scam, Good afternoon sa inyo mga accla. 😗

Vote and Comment









Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now