CHAPTER 15

2.3K 130 8
                                    

Napag pasyahan namin na umuwi muna upang kunin ang motorbike naming dalawa ni Heaven, ang sabi kasi ni Miss Celestine ay gusto nila mag skyranch at sinuggest naman ni Heaven na ang motorbike nalang namin ang sasakyan papunta.

"Kamusta ulo mo?" tanong sa'kin ni Heaven habang pareho kami nag hihintay sa tapat ng bahay ng mag kapatid.

"Masakit, naalog ata utak ko sa lakas nung pag kakatama ng bola sa'kin."

"Wala ka namang utak"

Sasakalin ko na sana siya pero saktong lumabas ang magkapatid.

"Let's go?" tanong ni Miss Celestine.

"Lezzgoooo" sigaw naman ni Heaven.

Habang ako nakatitig lang sa magandang babae na nasa tabi nila, napaka simple ng suot niya pero nakakamangha parin siya.

"HOY! mamaya mo na siya hubaran sa imagination mo. Gusto ko na sumakay sa rides." bulyaw sa'kin ni Heaven.

"Ang bastos mo! Dinadamay mo ako sa kamanyakan mo. Ka ka bold mo 'yan."

Bago ko pa siya mapatay ay kinuha ko na ang extrang helmet na dala ko at isinuot sa magandang tigre na nasa harap ko.

"Ok na po" sabi ko at tinapik ng mahina ang helmet na ngayon ay suot na niya.

"Drive safely, I'll kill you if you go faster." sabi niya at sumaludo naman ako.

Hindi naman nag tagal dahil agad kami nakarating sa Skyranch dito sa SM dahil hindi naman siya ganon kalayuan.

"Drop tower tayo agadddd" sigaw ni Heaven habang hila hila ang kamay ni Miss Celestine, hindi ko alam pero feeling ko may something sakanila na hindi niya sinasabi.

"Gaga gusto mo ba ako mamatay agad" angal ko naman sakaniya.

"Medyo lang, kaya wag ka kj jan dahil ang tagal na simula nung maka punta ulit ako dito." sabi niya at inikutan ako ng mata, simula kasi nang makauwi siya galing states ay hindi na ulit siya nakapag libot ng tulad ng ginagawa namin dati dahil busy na din siya sa buhay.

Bumaling naman ako sa katabi ko na nag lilibot libot lang ang paningin.

"Ok lang po ba sainyo na sumakay don?" tanong ko sakaniya, baka kasi takot siya.

"Yes, any rides will do."

"As long as you're with me?" nakakalokong tanong ko.

"Eh kung ihulog kita doon sa ferris-wheel?" sabi niya na may pag babanta.

"Joke lang naman hindi ka mabiro." sabi ko at hinila na siya papunta sa pila.

Kahit labag sa loob ko ay sumakay na din ako sa drop tower, katabi ko si Miss Avigale habang si Heaven ay katabi si Miss Celestine sa kabila.

Nag simula na ang pag taas ng tower at kahit demonyo ka ay mapapa dasal ka nalang talaga.

"WAHHH POTANGINA KUYAAAAA SANDALIIIII" hiyaw ko na halos mawalan na ng malay nang biglang bumaba ang tower.

"HWUAHAHAHAH ISA PAAAAA" rinig kong sigaw ni Heaven habang ang katabi niya ay tumatawa tawa lang.

"You look stupid." baling sa'kin ng katabi ko na tinatawanan lang ako.

"HOY KUYA AYAW KO NAAAA" sigaw ko sa nag co control sa ride dahil nagsisimula nanaman itong umangat.

"FUCKINGINAAAAAJEISJWISJ" halos hiwalayan ako ng kaluluwa ko nang bigla nanaman itong bumagsak paibaba.

Pagka alis ng lock sa kinauupuan ko ay agad akong tumakbo upang humanap ng trash can na masusukahan.

"Drink this." sabi ni Miss Avigale at iniabot sa'kin ang isang bote ng tubig.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now