Chapter 1 Winterfell

Magsimula sa umpisa
                                    

"It's your sister's wedding -"

"Half-sister." Pagtatama ko.

"But still, she's your sister -"

"That I am not close to." Muli kong idinagdag.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga mula sa kabilang linya. "Winterfell, hanggang ngayon pa ba ay masama pa rin ang loob mo sa kapatid mo?"

Napa-eye roll ako. Paanong hindi sasama ang loob ko? Inagaw lang naman niya ang fiancé ko. Sino pa ba? E di 'yong groom mismo!

"Matatanda na kayong dalawa, hanggang ngayon nag-aaway pa rin kayo na parang bata?" Para itong biglang na-stressed kaya naman muli akong napabuntong-hininga. "Sweetheart, you're already thirty -"

"Dad, ba't naman nasama ang edad ko sa usapan?" I cut him off almost immediately.

"Okay, okay. I'm so sorry." Agad na hingi niya ng paumanhin. "Please come." Pakiusap niya. "Kung hindi para sa kapatid mo, kahit para sa akin na lang. Matutuwa ako kapag nakita ka."

"Pag-iisipan ko." Kulang sa interes na sagot ko.

"Sweetheart, please. Do it for me." Muli niyang pakiusap.

Napa-eye roll ako. Kailan ba matitiis ng anak ang magulang?

"Fine." Napipilitang pagpayag ko.

"Thank you, sweetheart! I'm excited to see you. I love you." Masaya na nitong sabi. "See you soon."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ako kay Daddy. Nagdahilan ako na marami pa akong aasikasuhin dito sa clinic.

"Ma'am, hindi po kasi pupwede e."

Narinig kong paliwanag ni Karen sa isa sa mga customer na nasa harap ng cashier.

Kunot-noong lumapit ako sa kanila ng mapansin ang tila aburidong itsura ng may katandaan ng babae na may-ari yata no'ng pusang inoperahan ko kanina.

"Anong problema, Karen?" Tanong ko sabay ibinulsa ang mga kamay sa suot na white coat.

"Ano po kasi dok..." Nakangiwing tugon ni Karen. "Wala daw po siyang pambayad sa atin kaya ibinibigay niya 'yong dala niyang gulay bilang kapalit."

Napatingin ako sa may katandaan ng babae. May hawak itong bayong. Lumapit ito sa akin. Nakikiusap maging ang kanyang mga titig.

"Pasensya na ho dok, wala po kasi akong pera na pambayad sa pag-oopera ninyo kay Kulit." Marahil tukoy niya sa kanyang pusa. "Kaya sana ho tanggapin ninyo itong gulay na dala ko bilang kapalit."

Parang naantig naman ang puso ko. Kahit wala siyang pera pampa-opera sa kanyang pusa ay dinala pa rin niya ito dito. Iilan na lang ang totoong nagmamalasakit sa mga hayop. Well, ibang hayop naman ang tinutukoy ko at hindi si Candice iyon, isama na rin si Patrick!

Napabuntong-hininga ako. "Sige ho." Pagpayag ko.

Laking tuwa nito ng tinanggap ko ang bayong na naglalaman ng iba't ibang klase ng gulay. Mga bunga daw ito ng kanyang mga pananim.

"E dok, ano sasahurin namin niyan?" Reklamo ni Wilbert sabay napapakamot sa ulo. "Palagi po kayong tumatanggap ng in kind."

May point naman siya. Hindi naman palagi... madalas lang. Haist. Naaawa kasi ako e.

Pasado alas nuwebe na ng gabi ng magsara kami sa clinic. Wala si Sally ngayon na siyang kasama kong Vet dito sa clinic.

Nakalimutan ko, hindi ko pala dala ang sasakyan ko ngayon dahil coding ako. Kaya naman naglakad kami ni Karen patungo sa waiting shed kung saan kami maghihintay ng masasakyang dyip pauwi. May nakita kaming pulubi na nasa gilid ng kalsada, namamalimos. May kalong pa itong bata na hindi bababa sa sampung buwang gulang. Napatingin sa akin si Karen ng inilabas ko ang wallet ko at naghulog ng de-papel na pera sa... arinolang nasa harap nito.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon