Chapter 16 Which Side Are You?

7.6K 548 335
                                    

"I miss you a little too much, a little too often, and a little more every day."


Winter POV


Hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaking kaharap sa pangdalawahang mesa dito sa restaurant na pinuntahan namin.

Bahagya itong pumayat, mahahalata rin ang panlalalim ng kanyang mga mata, marahil ay sa puyat. Tumutubo na rin ang kanyang balbas sa pisngi at sa baba. Maging ang kanyang buhok ay medyo mahaba na rin kaysa sa usual cut nito.

"I think I don't need to ask if you're okay or not." Komento ko habang nagme-meryenda kami.

Natigilan siya sa pagsubo at napatingin sa akin. Ibinaba niya ang hawak na tinidor at napasandal sa kinauupuan. Diretso itong nakatingin sa akin.

"I'm sorry for bothering you." Hingi niya ng paumanhin. "Hindi ko na kasi alam kung kanino ako lalapit o kung saan ako pupunta."

Napahalukipkip akong napasandal sa kinauupuan. "What happened Patrick? Why did you call the wedding off?"

"I didn't want it in the first place." Napapailing-iling niyang sagot.

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Because -!" He paused dramatically. "You know my dad, Winter. How persuasive he is." Saad niya.

"Pero Pat, kung ayaw mo talagang magpakasal, wala namang makakapilit sayo di ba?" Sabi ko.

Napailing-iling siya na parang napakalaki ng dinadalang problema. "Let's say, akala ko siya na talaga ang para sa akin. But..." Saka siya napatitig sa akin.

Napailing-iling din ako. "Hindi ko alam kung maaawa ba ako sayo o magagalit." Saad ko. "Kahit gano'n sa akin si Candice, parang hindi naman tama 'yong ginawa mo. I mean, hindi lang 'parang', mali talaga 'yong ginawa mong bigla na lang umalis before the wedding!"

"So anong mas prefer mo na ginawa ko? Na umalis ako after the wedding?" Maang niyang tanong.

"That's not what I mean, Patrick." Seryoso ang mukhang sagot ko.

Hindi siya agad nakasagot. "Besides, I have realized something that made me decide to cancel the wedding." Saka niya ako pinakatitigan.

Mukhang may hint na ako sa kung anong gusto niyang sabihin. "Please don't say it." Sabi ko.

"I still love you, Winter." Malungkot na hayag niya.

"Patrick -"

"And I am so... so sorry for breaking your heart." Sincere naman niyang wika. "But I am here now. I want to make things right between us. Gusto kong ibalik ang dating tayo."

Napatitig ako sa kanya. Natawa ako ng mapakla kapagkuwan. "Don't you think it might be too late for us?" Seryoso ang mukhang saad ko. "For you to say those things to me now?"

"Please, Winter." Pakiusap niya. "Give me another chance. I promise I'll do better this time."

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, Pat. But I can't do that." Sagot ko. "Hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo sa akin."

"Winterfell..." Nagsusumamo niyang bigkas.

"I'm already with Kate." I said.

"Kaya ba niyang ibigay sayo ang kaya kong ibigay?" Hindi kumbinsidong saad niya. "I can give you my name, Winter."

Napaangat ang gilid ng labi ko. "Pat, baka nakakalimutan mo. We're living in a modern world... new century. She can also give me her name if I want to."

Virgin at 30Where stories live. Discover now