Chapter 15 Yes or No?

8.1K 557 373
                                    

"You know that tingly little feeling you get when you like someone? That is your common sense leaving your body."


Winter POV


"Totoo ba?" Basag ko sa katahimikan habang magkatabi kaming nakahiga ni Kate sa aking kama. Nagbaling siya ng tingin sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Na... sa inyo ang secret service company?"

"Oo." Agad niyang sagot. "Honestly, hindi naman talaga ako nagpapa-book e." Pagbibigay-alam niya.

"Then bakit ka nagpa-booked sa akin?" Kunot-noong tanong ko.

Napangiti siya. "There was something about your email that day. Parang may sense of urgency? Tipong desperate gano'n?" Sagot niya. "Tapos ginawa mo pang restaurant 'yong kompanya at putahe ang mga girls kung makasabi ka naman ng order!"

Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa. "Dumating ka naman." Tukso ko sa kanya. "My perfect order."

Pinanggigilan niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Kate!" Nakangusong saway ko sa kanya sabay napahawak sa mga pisngi ko.

Natatawang hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "Marunong ka ng mambola ngayon ha? Saan mo natutunan 'yan dok?"

Pabirong inirapan ko lang siya. Ngayon ilong ko naman ang pinisil niya. Sa susunod ano na naman kaya?

"Bakit mo nga pala ako pinuntahan?" Tanong ko.

"Gusto nga kitang makita!" Tugon niya. "And I want to ask for your permission din sana?"

Napakunot-noo ako. "My permission?" Pag-uulit ko. "Para saan?"

Kinuha niya ang kamay ko at pinag-entertwined ang aming mga daliri. "My dad booked me without my consent."

"Di ba hindi pwede 'yon?" Naalala ko kasi 'yong ipinadala nilang company terms and conditions noong na-booked ko siya.

"Not with my dad." May halong lungkot niyang saad. "He booked me to be his friend's date to a two-day one-night event in Malaysia."

"Malaysia?!" Bulalas ko. "Ang layo naman!"

Napabuntong-hininga siya. "Just tell me if you don't want me to go, hindi ako sasama sa kanya." Tumitig siya sa mga mata ko.

Bakit naman niya hihingin ang permiso ko? May usapan man kami pero malabong usapan naman iyon.

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Ano ba tayo, Kate?" Lakas-loob kong tanong. "Kasi naguguluhan ako e. Tapos ngayon hinihingi mo pa ang permiso ko. Ano namang karapatan kong pigilan ka kung wala namang tayo?"

Napatingin siya sa mga kamay naming magkasiklop saka nag-angat ng tingin at napatitig sa aking mga mata. "Ayaw mo bang maging tayo?"

Hindi ako agad nakasagot. Napatitig din ako sa kanyang mga mata. Kung maalala ko 'like' pa lang naman ang naririnig ko mula sa kanya. Di ba dapat kapag papasok sa isang relasyon, hindi lang dahil gusto ninyo ang isa't isa kundi dahil mahal din ninyo ang isa't isa?

Parang biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon sa mukha. Binitawan niya ang kamay ko kapagkuwan. "I'm sorry." Nakayukong hingi niya ng paumanhin.

"Para saan?"

"Sorry kung nag-aassume ako." May lungkot niyang saad. "Akala ko kasi..." Napabuntong-hininga siya. "Akala ko kasi gusto mo din ako."

Bahagyang napaawang ang aking mga labi. Hindi pa ba obvious iyon sa kanya?!

Virgin at 30Where stories live. Discover now