Chapter 24 Small World Indeed

6.2K 421 272
                                    

"Love is eternal; the aspect may change, but not the essence."


Kate POV


Half-past twelve in the afternoon ng lumapag ang eroplano sa paliparan ng Puerto Princesa, Palawan. Again, sinundo kami ni Mang Berting sa airport.

Sa venue kami dumiretso para sa mabilis na briefing at rehearsal ni Winter para sa gaganaping party mamayang gabi. Ibinigay din sa kanya ang speech niya para mamaya. Nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanood siya.

For sure, mas magiging busy na ito pagkatapos ng delegation of authority. Hindi gano'n kadali maging leader sa isang malaking kompanya. Pero excited ako para sa kanya, ibig lang sabihin na tinanggap na niya ang karapatan niya bilang unang anak at pamilya ng kanyang daddy sa pagtanggap niya sa paglipat sa kanyang pangalan ng ownership ng pharma company ng ama.

"Kate." Bigkas ni tito Albert ng makita ako.

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan. "Tito." Binati ko ito ng halik sa pisngi.

"Buti at sumama kay Winterfell." Nakangiti nitong sabi.

"Yes, of course, tito. I wouldn't miss this moment for her." Nakangiting sagot ko.

May sasabihin pa sana ito pero tinawag na ng kanyang sekretarya. "Maiwan muna kita dito."

"Sige, tito." Tugon ko.

Muli akong bumalik sa kinauupuan ng umalis ito. Napansin ko ang aburidong mukha ni Winter habang kausap ang event coordinator. Bine-brief ito ng gagawin mamaya. Kung saan pupwesto at kung kailan magsasalita.

Ala una na yata ng hapon ng hayaan nila kaming mananghalian. Hindi ko na nakita si tito Albert simula kanina.

"Buti naman at mukhang wala ang mag-inang bruha?" Komento ko habang kumakain kami, dito rin sa resto ng hotel kung saan gaganapin ang party mamayang gabi.

Napabuntong-hininga si Winter. "They're the least of my concerns right now." Tugon niya. "Kinakabahan ako."

Ibinaba ko ang hawak na kutsara at idinantay ang palad sa kamay niyang may hawak na tinidor. "Hon, you can do this." Pagpapapalakas ko sa loob niya. "Isipin mo na lang para ka lang nag-oopera ng aso o pusa sa ibabaw ng laboratory table."

Natawa na siya ng marahan sa sinabi ko. "At ang nasa harap ko ay mga hayop, gano'n?"

Natawa rin ako. "Well, parang gano'n na nga." Sabi ko. "Pero pwede bang kapag tumingin ka sa akin ay para akong tigre sa isip mo?" Birong hiling ko. "A sexy tigress to be exact. Can you do that?"

Napakunot-noo siya ngunit may ngiti naman sa labi. "Bakit naman tigre ang napili mo?"

"Wala." Nakangising sagot ko. "Gusto ko lang."

Nakangiting napapailing-iling na siya pagkatapos. I really like her smiles. Napakaaliwalas tignan ang mukha niya sa tuwing ngumingiti.

"W-what?" Nauutal niyang bigkas ng mapansing titig na titig ako sa kanya.

"You're so beautiful, hon." Tugon ko habang nakatitig sa kanya. "Especially when you smile. You literally light up my world."

Natawa siya ng mahina. "In love na in love ka talaga sa akin." Hindi siya tumitingin sa akin ng sinabi niya iyon. Paano, namumula ang kanyang mga pisngi.

"Are you blushing?" Tukso ko.

Pilit niyang pinaseryoso ang mukha ng mag-angat ng tingin sa akin. "Kate, please. Don't look at me like that." Ngunit napangiti rin naman siya sa huli.

Virgin at 30Where stories live. Discover now