Chapter 34 No Man is an Island

5.2K 401 233
                                    

"Being deeply loved by someone gives you strength while loving someone deeply gives you courage."


Kate POV


"Where do you want us to go?" Tanong ni Winter habang nagbabasa siya ng travel magazine at ako naman ay nakaupo sa hospital bed. Pinapakain niya ako ng prutas pero parang wala akong gana pang kumain. "How about Bora Bora?" Tanong pa niya. "Maybe we could do some Moana Adventures, jet ski, lagoon snorkeling  or we could do sunset cruise!"

Pinilit kong ngumiti sa kanya ng tipid. "It's up to you, hon." Napipilitang sagot ko rin.

Napangiwi siya. "Ayaw mo do'n?" Hindi ako sumagot. "Okay, tingin na lang tayo ng iba." Saka muling binuklat ang magazine.

Alam ko namang ginagawa lang niya 'to para maaliw ako, pero honestly, wala itong epekto sa akin. I'm still so depressed. Deep inside kinakain na ako ng mga nangyari, my forming insecurities and hatred.

This wasn't me. Wala akong insecurities sa katawan bago nangyari ito. At kahit pa ang daming nangyayari sa buhay ko noon na hindi ko gusto, never akong nakaramdam ng ganitong klase ng pagkamuhi. Pagkamuhi sa lahat ng taong gumawa at may pakana nito sa akin.

Nagagalit din ako kung bakit nabuhay pa ako. Sana namatay na lang ako... sana hindi na lang ako nabuhay...

"Maybe we could go to Forbidden City." Masigla niyang sabi. "Pwede nating libutin ang Asia if you want." Masaya pa niyang dagdag. "We can go to Japan! To see amazing museums, parks, temples, shrines — plus hiking, eating, and shopping -"

"Win, please." Napahawak ako sa noo ko. Pakiramdam ko bigla akong naiirita. "Gusto ko ng magpahinga." Forever. I wish I could say that to her.

Bigla siyang nalungkot pero mabilis niya itong itinago. "Pero hindi mo pa ubos itong apples mo." Sabi niya.

"Ayoko na." Tipid kong sagot.

Napabuntong-hininga siya saka pilit na ngumiti sa akin. "Okay sige."

Tumayo siya mula sa kinauupuan at kinuha sa hita ko ang tray na may lamang pagkain. Inilagay niya ito sa ibabaw ng mesa sa nagsisilbing mini kitchen ng hospital room na kinaroroonan ko bago ako tinulungang mai-recline ang kinahihigaan.

Inayos niya ang kumot ko at pumikit na ako. Hindi naman talaga ako inaantok. Gusto ko lang muna ng konting katahimikan. Mamaya magra-rounds na naman ang mga nurses and doctor. Naiirita pa naman ako sa mga gamot na itinuturok nila sa sistema ko. Kung pwede lang na tanggalin na ang dextrose na nakakabit sa akin, ginawa ko na. Buti nga at tinanggal na nila ang isa pang nakaturok sa akin na naglalaman ng dugo. Normal na daw ang blood pressure at pulse rate ko. Sana all na lang normal.

Muli kong narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Sige na, pahinga ka na muna." Narinig kong sabi niya bago ako ginawaran ng masuyong halik sa noo.

Lihim akong napalunok sa ipinapakita niya sa akin. Mabilis akong nagsisi sa hindi magandang pagtrato ko sa kanya ngayong umaga. Gusto ko ding umiyak na naman. Pumikit na lang ako ng mariin saka tumagilid ng higa, patalikod sa direksyon niya.

I need some space... I want silence... I want to be alone for a while... gusto kong ako lang muna. Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari bago pa man ako nawalan ng malay at kung ano pa ang mga nangyari ng mawalan ako ng malay ay nagagalit na ako ng sobra. Gusto kong ulitin ang ginawa ko, but this time gusto ko tuloy na.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na din pala ako kahit na ang sabi ko kanina ay hindi ako inaantok. Marahil napapagod na rin ako... emotionally, physically... mentally...

Virgin at 30Where stories live. Discover now