Chapter 39 Love and Happiness

5.7K 409 111
                                    

"Being happy isn't having everything in your life be perfect. Maybe it's about stringing together all the little things."


Kate POV


"Kate, we have to get up." Natatawang sabi ni Winter habang pinipigilan ko siyang bumangon na ng kama.

"Dito ka na muna, hon." Ungot ko habang yakap-yakap siya.

Hangga't maaari ay ayoko muna siyang pakawalan. Gusto kong humilata muna sa kama kasama siya. 

"Mamaya na tayo bumangon." Dugtong ko.

She laughs softly. "Hon..."

Napatingin ako sa kanya. "Please? Five minutes."

She rolled her eyes, smiling. "Fine."

Napangiti na rin ako at niyakap pa siya lalo patungo sa tabi ko. Nakangiting nakapikit ako. Having her in my arms is enough. I feel contented and fulfilled.

"Kate?" Sambit niya kapagkuwan.

"Hmm?" Nakapikit pa ring tugon ko.

"Baka pwede tayong dumalaw sa bahay ngayon?" Tanong niya. May pakiusap sa kanyang tinig.

Napilitan akong magmulat ng mga mata para salubungin ang kanyang mga titig.

"Nami-miss ko na kasi sila e..." May kasamang lungkot niyang dagdag.

"Okay sige." Pagpayag ko. "Hindi ba kasi pwedeng dito na lang tayong lahat tumira? Our family is growing, hon." Suhestiyon ko. "Especially now, kapag na-approved 'yong adoption request natin kina Calvin at sa kapatid niya, tapos magbe-baby pa tayo, kailangan natin ng mas malaking space."

Napaisip siya. "I guess you're right." Pagsang-ayon niya. "Subukan kong kausapin sina tita kung anong masasabi nila."

Tumango ako. "Pupunta rin ako ngayon sa office." Saad ko.

Napakunot-noo siya. "Ready ka na bang bumalik sa work?" May pag-aalala sa kanyang tinig.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Iniipit ko sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko doon." Tugon ko. "I stepped down as the CEO, remember?"

"What are your plans now?" Tanong niya.

"Build a family with you?" Patanong kong sagot.

Napangiti siya ng tipid. Hinawakan niya ako sa pisngi at hinaplos dito. "What a remarkable plan?" May halong panunuksong komento niya.

Natawa ako ng marahan. "Syempre, gusto ko pag magpa-plano ako kasama ka. Kaya nga wala pa akong plans e."

"Honestly, I feel flattered, hon." Sagot niya. "Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto na may sarili kang plano para sa kinabukasan mo rin. Kung anong gusto mong gawin, 'yong makakapagpasaya sayo. Gusto ko may laya kang gawin kung anong makakapagbigay saya sayo."

Napatitig ako sa kanya. "I'm so damn lucky to have you in my life, Winterfell."

She smiles at me. "Maswerte din naman ako sayo." Ganti niya. "Paano na lang ako kapag hindi ikaw ang dumating?"

Hinawakan ko siya sa pisngi at dinampian ng halik sa labi. "Sabagay, di ba?" Pabirong tugon ko na ikinatawa niya.

Ilang sandali pa ay nagpasya na kaming bumangon ng kama at naghanda na sa kanya-kanyang lakad. Inihatid ko muna siya sa bahay nina tita.

"Hindi ka na ba papasok?" Tanong niya ng pagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan.

"Dito rin naman ako didiretso mamaya." Sagot ko.

Virgin at 30Where stories live. Discover now